Jose Rizal Pambansang Bayani ng Pilipinas

Si Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda o mas kilala bilang Pepe ay ang Pilipinong Pambansang Bayani ng Pilipinas na nagmula sa lungsod ng Calamba, Laguna. Siya ay tinaguriang pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa bansang Pilipinas noong kasagsagan ng pananakop ng mga Kastila. Kinilala din siya bilang pinakamahusay na bayani at itinala bilang isa sa mga pambansang bayani ng Pilipinas sa lupon ng mga Bayani.

Litrato ni Dr. Jose Rizal
Dr. Jose Rizal
Photo from: Wikipedia
  • Kailan ipinanganak si Jose Rizal?
  • Ano ang mga katangian ni Dr. Jose Rizal?
  • Anu-ano ang mga naiambag niya sa bansang Pilipinas?
  • Sino-sino ang kanyang mga naging kasintahan?
  • Ano ang naging dahilan ng kanyang pagkamatay?

Ang mga katanungan sa itaas ay mabibigyang kasagutan base sa aming mga nakalap na impormasyon at pag-aaral sa talambuhay ni Dr. Jose Rizal.

Kailan ipinanganak si Jose Rizal?

Ipinanganak si Jose Rizal noong ika-labinsiyam ng Hunyo taong isang libo’t walong daan at siyam na pu’t anim (Hunyo 19, 1861) sa isang mayamang angkan sa Calamba, Laguna. Siya ang ika-pito sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos.
Siya ay nakapag-aral sa ibat-ibang uri ng unibersidad hindi lamang sa kanyang bayang sinilangan kundi rin sa ibat-ibang bansa. Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila na ang kanyang unang pinasukan at nakakuha ng diploma sa kursong Sining at nag-aral ng medisina sa Pamantasan ng Santo Tomas sa lungsod ng Maynila. Matapos makakuha ng diploma, hindi parin siya nagpatinag sa kagustuhang magkaroon ng sapat na kaalaman at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Universidad Central de Madrid sa lungsod ng Madrid, Espanya. Sa kanyang pagsisikap, nakakuha siya ng Lisensiya sa Medisina na nagbigay sa kanya ng karapatang sanayin ang kanyang sarili upang makatulong sa mga nangangailangan ng medisina. Nagtungo din siya sa Pamantasan ng Paris at ng Heidelberg upang ipagpatuloy ang kanyang layunin na maging mahusay sa lahat ng larangan.

Ano ang mga katangian ni Jose Rizal?

Si Jose Rizal ay ang itinanghal na Pambansang Bayani dahil sa kadakilaang kanyang ipinamalas. Di matatawaran ang nagawa niya para sa bayan. Hindi man siya literal na lumaban para sa ating kalayaan, bagkus ay ginamit niyang sandata ang kanyang panulat. Ang kanyang mga katangian maliban sa medisina, mahusay din siya sa pagpinta, pag-guhit, pag-lilok at pag-ukit. Isa din siyang makata, manunulat at nobelista.

Siya ang may akda ng pinakatanyag na nobela na pinamagatang Noli Me Tangere at kasunod nito ay ang El Filibusterismo na nagpamulat sa mata ng mga Pilipino upang mag aklas.

Anu-ano ang mga naiambag niya sa bansang Pilipinas?

Ang pluma na ang daan upang makita ang tunay na kalagayan natin noon, ang kawalan ng hustisya ng mga mananakop, ang katiwalaan sa pamahalaan at paglapastangan sa ating kapwa. Tayo ay nahikayat na lumaban para sa ating sariling kasarinlan. Namatay ang Pambansang Bayani nang inalay ang sariling buhay para sa bayan. Ngunit sa huli nalupig natin ang mga mananakop at nakamit ang minimithing kalayaan. Hanggang sa kasalukuyan, magmamarka ang kanyang kabayanihan sa kasaysayan, sa puso ng mga pilipino at sa sinilangan niyang inang bayan.

Sino-sino ang kanyang mga naging kasintahan?

Sa kanyang paglalakbay upang makapag-aral sa ibat-ibang uri ng unibersidad kasabay nito ang pagkakaroon ng makakasama sa buhay. Ating alamin kung sino-sino nga ba ang kanyang mga naging kasintahan. Alam ng karamihan na si Rizal ay nagkaroon ng maraming kasintahan noong siya ay nagpapatuloy maglakbay upang mag-aral sa ibat-ibang bahagi ng mundo. Ngunit hindi na natin tatalakayin lahat ang kanyang mga naging kasintahan.

Segunda Katigbak

Sa isang isinulat ni Rizal, inilarawan niya si Segunda na “May mga matang kung minsan ay makislap at nangunugsap, may ngiting nakagagayuma… Hindi siya ang pinakamagandang babaeng nakita ko, ngunit hindi ako nakasilay kailanman nang higit na kaakit-akit.” Ayon sa isang historyador na si Sister Corazon Manalo, unang nagkita at nagkakilala ang dalawa sa bahay ng lola ni Rizal sa Trozo, Manila na tinatawag na nating Tutuban ngayon. Dahil uso pa noong panahong iyon na ipinagkakasundo ng mga magulang ang kanilang mga anak para sa pag-aasawa, nakatakta nang ikasal si Segunda kay Manuel Luz ng Lipa. At dahil narin sa sitwasyon ni Segunda, pinaniniwalaang nagtalo noon ang damdamin at isipan ni Rizal kung itutuloy pa niyang ibigin ang isang dalagang kasal na. Kaya siguro hindi umusbong ang kanilang pag-iibigan.

Leonor Valenzuela

Nakilala naman ni Rizal itong si Leonor o Orang Valenzuela noong siya’y nag-aaral pa sa Unibersidad ng Santo Tomas. Katabi ng tinutuluyan ni Rizal ang bahay ng mga Valenzuela at palagi silang namamalagi ng kanyang mga kaibigan doon. Unti-unting nahulog ang loob ni Orang kay Rizal dahil sa angking talino ni Jose. Binibigyan ni Rizal si Orang noon ng mga liham na nakasulat sa tintang maaaninag lamang kapag itatapat sa lampara. Ngunit para kay Rizal, higit na mainam kung ituturing niya lamang na kaibigan si Orang kaysa ituring niya itong kasintahan. Ang desisyong ito ay bunsod na rin ng espesyal na pagtanggi ni Rizal sa isa pang Leonor, si Leonor Rivera.

Leonor Rivera

May mga nagsasabing kababata ni Rizal itong si Leonor. May mga nagsasabi ring sila ay malayong magpinsan. Gayunpaman, noong mga bata pa sila ay hindi gaanong napapansin ni Rizal si Leonor. Ngunit nang magdalaga ito, napansin ni Rizal na unti-unti nang bumubulaklak ang dati’y tila kampupot lamang na si Leonor. Nang nagkakamabutihan na ang dalawa, napagpasiyahan nila na Taimis ang itawag kay Leonor Rivera upang makatakas sa mga matang maaaring kumondena sa kanilang dalawa. Nang mga panahong ito, unti-unting umusbong si Rizal bilang manunulat at nasyonalista. At noong 1882, inilihim ni Rizal kay Leonor ang kanyang pag-alis patungong Europa, na lubha namang ikinasakit ng damdamin ng dalaga. Kung noong una’y suportado ng mga magulang ni Leonor sa pag-iibigan ng dalawa, bigla nila itong tinutulan dahil sa pagiging kilalang pilibustero ng binata ng mga panahong iyon. Marami pa ang naganap na nagbunsod sa masakit na paghihiwalay ng dalawa. Dahil sa pagharang ng mga magulang ni Leonor sa mga sulat ni Rizal para sa dalaga, ipinagpalagay ni Leonor na kinalimutan na siya ni Rizal – na siyang nagtulak kay Leonor upang magpakasal sa isang Ingles na pinili ng kanyang mga magulang, si Henry Kipping. Tumagal ang relasyon nina Rizal at Leonor Rivera nang labing-isang taon.

Josephine Bracken

Nagkakilala sina Josephine at Pepe nang dalhin ni Josephine ang kinilalang niyang ama kay Rizal upang ipagamot noong Pebrero 1895. Dito na nagsimula ang kanilang malalim na pagtitinginan. Bagaman tutol ang kinilalang ama, hindi nagawang pigilan ng tadhana ang pag-iibigan nilang dalawa. Marami ang nagduda sa katapatan ni Josephine kay Rizal. May mga nagsasabing kasabwat siya ng mga prayleng noon ay kalaban ni Rizal. Hindi rin naging madali para sa ibang kapatid ni Pepe ang kanilang relasyon dahil hindi raw kapantay ng katalinuhan ni Pepe ang kay Josephine. Isang hindi magandang pangyayari ang naganap noong katapusan ng 1895 – nalaglag ang dinadalang anak ni Josephine. Bunsod nito, nagpasya na lamang sina Pepe at Josephine na mag-ampon ng batang babae na nagngangalang Maria Luisa, na kaagad naman nilang ibinalik sa mga tunay nitong magulang. Si Josephine ang naging kahuli-hulihang babae sa buhay ni Rizal bago ang kanyang pagkamatay sa Bagumbayan.

Tunay ngang makapangyarihan ang pag-ibig. Hahamakin nino man, maging ang ating pambansang bayani, ang lahat para sa bagay na ito –– ito ma’y pag-ibig sa ina, kapatid, kapwa, o maging sa bayan. Sina Concepcion, Julia, Segunda, Bb. L., Orang, Leonor, Consuelo, O-Sei-San, Gertrude, Nelly, Suzanne, Josephine, at maging si Teodora Alonzo at ang Pilipinas ang nagpatunay na kahit si Rizal, na kahit ang isang bayani ay umibig, nagmahal, umasa at nasaktan din. Naging malaking bahagi sila ng buhay ni Jose Rizal at hindi maikakailang ilan sila sa mga naging inspirasyon ng ating pambansang bayani. Upang higit na maging matatag, kapaki-pakinabang, at huwarang Pilipino –– sa puso, sa isip, sa salita, sa panulat, at sa gawa.

Ano ang naging dahilan ng kanyang pagkamatay?

Ipinaglaban ng ating Pambansang Bayani na si Rizal ang bansang kanyang sinilangan laban sa mga prayle gamit ang kanyang talino. Siya ang pangunahing tagapagtatag at buhay na kaluluwa ng insureksyong Pilipino. Ang tagapagtatag ng mga samahan, pahayagan, at librong nag-papaapoy at nagpapalaganap ng mga ideya hinggil rebolusyon.

Ang Pagbaril sa Bagumbayan

Ang inatasan na bumaril kay Rizal ay isang hanay ng mga Pilipinong kasapi ng Hukbong Kastila, habang isa pang hanay ng mga Kastilang kasapi ng Hukbong Kastila ang nakahanda upang barilin ang sinumang susuway sa kanila. Lihim siyang inilibing sa Libingang Paco sa Maynila nang wala man lang tanda sa libingan. Nilibot ng kaniyang kapatid na si Narcisa ang lahat ng maaaring libingan at natagpuan ang bagong baong lupa sa isang libingan na may mga bantay sa tarangkahan. Sa kaniyang paniniwala, maaaring ito nga ang pinaglibingan at wala pang ibang mga nilibing. Nagbigay siya ng regalo sa taga-ingat upang lagyan ng tanda ang nasabing lugar na “RPJ” – mga inisyal ni Rizal na pabaliktad.

Disyembre 30, 1896 — 6:30 ng umaga;
Nagsimula nang tumunog ang mga trumpeta sa Fuerza Santiago na siyang hudyat ng simula ng pagmartsa. Alas syete ng umaga tumunog na ang mga tambol, at habang sila ay tumutugtog ay siya namang may sumigay ng “Magpaputok”. Sa kanyang pagkabaril, ipinilit pa rin ni Rizal na humarap sa mga sundalo. Sa kanyang pagbagsak ay nakaharap ang mukha niya sa sumisikat na araw.
Alas syete pasado, 7:03 ng umaga ang oras ng kamatayan ni Rizal, sa edad na 35.

Narito ang ilan sa mga tumatak niyang kasabihan:

Ang kabataan ay ang pag-asa ng Bayan.

-Jose Rizal

“Ang hindi marunong lumingon sa pinangalingan ay hindi makakarating sa paroroonan“

-Jose Rizal

“Ang hindi magmahal sa sariling wika, daig pa ang hayop at malansang isda.”

-Jose Rizal

3 COMMENTS

  1. I have noticed you don’t monetize mgabayani.ph, don’t waste your traffic, you can earn additional cash every month with new monetization method.
    This is the best adsense alternative for any type of website (they approve all websites), for more details simply search in gooogle:
    murgrabia’s tools

  2. Do you have a spam problem on this blog; I also am a blogger, and I was wondering your situation; many of us have developed some nice methods and we are looking to swap solutions with other folks, be sure to shoot me an e-mail if interested.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here