Ang Pagong at Kuneho

Ang kwento ng ang Pagong at ang kuneho ay nag umpisa nung isang araw, nagkita si Pagong at si Kuneho sa daan. Biniro ni Kuneho si Pagong sa kanyang maliliit na paa na naging dahilan kung bakit napakabagal niyang maglakad.

BASAHIN : Kadayawan Festival | Kasaysayan

Nainsulto si Pagong sa mga biro ni Kuneho kaya sa inis nito at sa kagustuhan ni Pagong na patunayang mali si Kuneho sa kanyang mga paratang at pinagsasabi, hinamon niya si Kuneho.

Pagong : ” Kung gusto mong subukin ang aking kakayahan, bakit hindi natin daanin sa isang paligsahan. Maaaring mabilis ka subalit malakas naman ang aking resistensya.” 

Kuneho : ” Anong paligsahan ba ang nais mo?”

Pagong : “Kung gusto mo ay unahan na lang tayong makarating sa tuktok ng ikatlong bundok.

Laking tuwa naman ito ni kuneho dahil sa ganung hamon ni Pagong. Tiwala sa sariling matatalo niya si Pagong sa paglisahan, bawat isa sa kanila ay nangumbida ng kanilang mga kaibigan upang saksihan ang kagila-gilalas na paligsahan.

Kinabukasan agad, umagang-umaga marami ang pumunta upang magsidalo sa kanilang paligsahan. Dumating ang kalabaw na minsan na ring nakalaban ni Pagong, ang kabayo, baboy, palaka, aso, pusa at kambing at marami pang iba. Hindi magkamayaw ang mga hayop sa kasiyahan, noon lang sila makakapanood ng ganoon klaseng labanan.

BASAHIN : Pahiyas Festival | Kasaysayan

Sa kanilang karera si unggoy ang nagbigay hudyat ng pasimula ng paligsahan. Umpisa palang ng karera naiwan na agad ng malayo si Pagong, halos hindi na makita ni Kuneho si Pagong dahil sa kalayuan ng kanilang pagitan.

Narating agad ni kuneho ang tuktok ng ikalawang bundok at hindi na niya matanaw si Pagong.

Kuneho : Sa sobrang bilis ko tumakbo naiwan ko na si Pagong,Asan na kaya si Pagong? mabuti pa ay mamahinga muna ako. Malayo pa naman si  pagong.Napakalayo ng agwat naming dalawa. ( Sabi niya sakanyang sarili )

Naupo si Kuneho sa ilalim ng isang puno. Nang dahil sa kapaguran, hindi niya namalayang siya ay naidlip.

Magtatanghali na nung dumating si Pagong sa tuktok ng ikalawang bundok, at inabutan pa niya si Kunehong naghihilik halos. Himbing na himbing si Kuneho. Dala marahil ng kanyang kapaguran.

Magdadapit-hapon na nang matanaw ni Pagong ang rurok ng ikatlong bundok. Malapit na siya.

Noon palang nagising si Kuneho. Tinanaw niya ang ibaba ng bundok sa pag-aakalang nandoon pa rin si Pagong subalit wala pa rin. Sinimulan na niya muling tumakbo. 

BASAHIN : Mga Alamat | Panitikan ng Pilipinas

Takbong walang pahinga. Laking gulat niya ng abutan niya si Pagong sa ituktok ng ikatlong bundok na namamahinga na. Hiyawan ang lahat ng hayop. Lahat sila ay bumati kay Pagong.

Si Kuneho naman ay hiyang-hiya sa pangyayari. Humingi siya ng paumanhin kay Pagong sa ginawa niyang pang-iinsulto. Simula noon ay nagging halimbawa na ng mga hayop na hindi dapat maliitin ang kanilang kapwa.

Naghahanap ka pa ba ng ibang Kwentong Pangbata, Maikling kwento o Alamat Maaring pindutin lamang ang link na ito ( mgabayani.ph )

ADVERTISEMENT
loading...