Ang Komonwelt ng Pilipinas ay ang tawag pampulitika sa Pilipinas mula noong 1935 hanggang 1946 kung kailan naging komonwelt ng Estados Unidos ang bansa.

  • Pamahalaang Komonwelt

Komonwelt ng Pilipinas

Komonwelt ng Pilipinas
Photo from: Google

Bago noong 1935, isang pook-insular na di-komonwelt ang Pilipinas, at bago pa doon, teritoryo lamang ito ng Estados Unidos. Ibinatay sa Batas Tydings-McDuffie ang pagbuo sa Komonwelt. Ayon sa batas, magiging panahong pantrasisyunal ang Komonwelt bilang paghahanda sa ganap na kalayaan at soberanya na ipinangako sa Philippine Autonomy Act o Batas Jones.

Si Manuel L. Quezon ang unang pangulo ng komonwelt. Si Sergio Osmeña naman ang naging ikalawang pangulo nito. Sumunod ay si Manuel Roxas at ang naging huling pangulo nito. Tuluyan nang ibinuwag ang Komonwelt noong 1946 at naging republika ang Pilipinas.

Noong 1933, ipinasa ng Kongreso ng Estados Unidos ang Batas Hare-Hawes-Cutting bilang ang Batas ng Kalayaan ng Pilipinas kahit ito ay tinutulan ni Pangulong Herbert Hoover. Kahit ang batas na ito ay binuo sa tulong ng isang komisyon mula sa Pilipinas, tinutulan ito ng Pangulo ng Senado, si Manuel L. Quezon, dahil sa probisyon nitong manatili ang kontrol ng Estados Unidos sa mga base militar sa bansa. Sa ilalim ng kanyang impluwensiya, tinutulan ito ng lehislatura ng Pilipinas.

Noong sumunod na taon, isang bagong batas na tinawag na Batas Tydings-McDuffie ay ipinasa ng lehislatura. Isinaad sa batas na ito ang pagtatatag ng Komonwelt ng Pilipinas na may 10-taong mapayapang transisyon patungo sa kasarinlan. Magkakaroon ang komonwelt ng sariling saligang-batas at magiging responsibilidad ang pamamahala sa bansa, ngunit ang ugnayang panlabas ay responsibilidad ng Estados Unidos, at ilang mga batas ay kailangan aprubahan ng pangulo ng Estados Unidos.

Naging adhikain ng bagong pamahalaan ang pagtatatag ng batayan ng tanggulang pambansa, mas malakas na kontrol sa ekonomiya, mga reporma sa edukasyon, pagpapabuti sa transportasyon, ang kolonisasyon ng pulo ng Mindanao at ang promosyon ng lokal na kabisera at industriyalisasyon.

Ngunit hinarap ng komonwelt ang problema sa agrikultura, ang di-tiyak na sitwasyong diplomatiko at militar sa Timog-Silangan Asya, at hindi maliwanag na lebel ng komitment ng Estados Unidos sa panghinaharap na Republika ng Pilipinas. Binago ang konstitusyon noong 1939–1940 upang ibalik ang kongresong may dalawang kapulungan at ang pagpapahintulot ng pagtakbo muli ni Pangulong Quezon, na nagkaroon lamang ng isang anim na taong termino.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here