Ang Digmaang Pilipino-Amerikano ay ang armadong hidwaan sa pagitan ng Unang Republikang Pilipino at ng Estados Unidos na tumagal mula 4 Pebrero 1899 hanggang 2 Hulyo 1902.

  • Digmaan sa pagitan ng Pilipino at Amerikano

Digmaang Pilipino-Amerikano

Digmaang Pilipino-Amerikano
Photo from: Google

Sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano nang matapos patayin ng dalawang Amerikanong sundalo ang tatlong Pilipinong sundalo sa San Juan. Marami ang namatay sa digmaang ito kaysa sa Digmaang Espanyol-Amerikano.

Humigit-kumulang 126,000 Amerikanong sundalo ang lumaban sa digmaan, halot 4,234 Amerikano ang namatay pati na rin ang 16,000 Pilipinong sundalo na naging kasapi sa isang pambansang gerilyang kampanya na walang tiyak na bilang.

Ang kakulangan ng mga sandata ang naging sanhi ng pagkatalo ng mga Pilipinong sundalo laban sa mga Amerikano sa mga pangunahing labanan ngut ang mga Pilipino ay nagwagi sa mga labanang gerilya.

Sa lugar ng Malolos na ang kabisera ng pamahalaang rebolusyonaryo, ay nakuha ng mga Amerikano noong 31 Marso 1899 ngunit nakatakas si Aguinaldo at ang kanyang pamahalaan at nilipat ang kabisera sa San Isidro, Nueva Ecija. Si Antonio Luna, ang pinakamagaling na kumander ni Aguinaldo, ay pinatay noong Hunyo.

Dahil sa pagkamatay ni Luna at ng tuloy-tuloy na pagkatalo ng kanyang mga sundalo sa mga labanan sa Hilagang Luzon, pinalitan ng di-sentralisadong hukbo ng mga gerilya ang regular na hukbo noong Nobyembre 1899.

Nadakip si Aguinaldo sa Palanan, Isabela noong 23 Marso 1901 at dinala sa Maynila. Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos at nag-utos na sumuko ang kanyang mga kasama, na naging hudyat ng katapusan ng digmaan. Ngunit nagpatuloy pa rin ang mga labanan sa ilang mga bahagi ng Pilipinas, lalo na sa Mindanao, hanggang noong 1913.

Ang pangyayari sa San Juan ay ibinibintang ng mga Amerikano sa mga Pilipino ang unang pagputok. Sinabi rin nila na talagang binalak ng mga Pilipino ang pagsisimula ng labanan. Hindi ito maaring mangyari dahil sa mga sandaling iyon ay nasa isang padiriwang si Aguinaldo at iba’t-ibang heneral sa Malolos at kasama rin nya noon si Koronel San Miguel na siyang pinuno ng mga sundalong Pilipino sa Masantol.

Maging si Antonio Luna na direktor ng digmaan ay nasa San Fernando, Pampanga at ang tanging heneral na nasa kanyang posisyon ay si Heneral Pantaleon Garcia. Ang pangyayaring ang mga heneral ay nasa magkakaibang lugar ay patunay na di binalak na lusubin ng mga Pilipino ang mga Amerikano. Sa kabilang dako, nagkaroon din ng labanan sa lungsod ng Maynila.

Nang malaman ito ni Aguinaldo ay agad niyang sinulatan si Heneral Otis upang pag-usapan ang mga pangyayari ngunit tumangi si Heneral Otis at sinabing ang pinagsimulan ng laban ay itutuloy ng mga Amerikano kung hindi ibabalita sa mga Pilipino na sila ay nasa isang digmaan na naman at ito ay laban sa mga Amerikano.

Tumagal ng ilang taon ang digmaan, simula 4 Pebrero 1899 hanggang 2 Hulyo 1902.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here