Ang Dakilang Lumpo Apolinario Mabini

Tinaguriang Dakilang Paralitiko o Ang Dakilang Lumpo, at Utak ng Rebolusyon si Apolinario Mabini noong kasagsagan ng pananakop ng mga Kastila. Siya ay isang Pilipinong teoretista na nagsulat ng konstitusyon ng Unang Republika ng Pilipinas noong 1899-1901 at naglingkod bilang ang kauna-unahang punong ministro noong 1899.

  • Ang Dakilang Lumpo
  • Dahilan ng kanyang pagkalumpo
  • Epekto nito sa kanyang buhay
  • Mga naiambag ni Apolinario Mabini

Ang Dakilang Lumpo

Si Apolinario Mabini y Maranan ay ipinanganak noong 23 Hulyo 1864 sa Tanauan, Batangas. Kapwa magsasaka ang kanyang ama at ina na sina Inocencio Mabini at Dionisia Maranan. Bata pa lamang si Mabini nang makitaan na siya ng katalinuhan, kahit mahirap lang ay nabigyan siya ng pagkakataong makapag-aral. Nang maipasa ang pagsusulit sa Kolehiyo de San Juan de Letran. Matagumpay niyang natapos ang Batsilyer ng Sining ay ipinagpatuloy niya ang pag-aaral ng Abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas. Ang pag-ibig sa bansa ang dahilan kaya muli niyang binuhay ang La Liga Filipina noong 1863. Naihalal si Mabini bilang Sekretaryo ng organisasyon na naglalayong magbigay ng moral at pinansyal na tulong sa mga propagandistang Pilipino sa Espanya.

Dahilan ng kanyang Pagkalumpo

Si Mabini ay nagkasakit noong 1896 ng paralisis ng bata na lumumpo sa kanya, siya ay lihim na ipinatawag ni Emilio Aguinaldo at hinira na opisyal na tagapayo. Nang pasinayaan ni Aguinaldo ang Pamahalaang Republika inatasan niya si Mabini bilang kalihim panglabas at pangulo ng mga konseho. Sa panahong ito isinulat niya ang kanyang tanyag na akdang “Tunay na Dekalogo”.

Epekto nito sa kanyang buhay

Hindi naging madali para kay Mabini na magkaroon ng sakit at maging isang lumpo. Sa kabila ng pagkaroon ng sakit, hindi naging ito naging hadlang upang mahalin ang ating bansa. Matapos palayain, pansamantala siyang nanirahan sa Laguna upang maglunoy paminsan-minsan sa maligamgam na mga batis sa Los BaƱos. Ang talino sa batas ay nabigyang diin ni Mabini nang sumulat siya ng isang artikulo para sa mga lider ng rebolusyonaryo. Ang nasabing manifesto ay nagpapahalaga sa pagtindig ng Pilipinas bilang isang malayang bansa kung matatalo ng Estados Unidos ang Espanya sa digmaan nilang dalawa. Sa angking galing ng mga paliwanag ni Mabini ay agad siyang ipinasundo ni Pangulong Aguinaldo at ginawa niya itong tagapayo. Nagsilbi siya Mabini bilang Pangulo ng Konseho ng mga Kalihim. Hinirang siya sa Pamahalaang Aguinaldo bilang Kalihim Panlabas.

Mga naiambag ni Apolinario Mabini

Dalawa sa mga mahahalagang dokumentong naiambag ni Mabini ang El Verdadero at Programa Constitucional de la Republica Filipina. Ang Decalogo ay naglalayong gisingin ang damdamin ng mga Pilipino. Samantala, ang Programa Constitucional ay naglalayong isulat ang isang konstitusyong sunduin ng mga Pilipino upang malaman nila ang kanilang mga karapatan at obligasyon bilang mga mamamayan. Isang mataas na posisyong pampamahalaan ang ibinibigay kay Mabini ng Pamahalaang Amerikano pero tinalikuran ito ng Dakilang Paralitiko. Minarapat niyang mamalagi sa kaniyang munting dapma na malaya kahit maralita. Matapos magsilbi sa bansa, namatay si Apolinario Mabini noong 13 Mayo 1903 na isang dakilang Pilipinong hinahangaan ng buong mundo.

Basahin din: La Solidaridad
Mga Bayaning Pilipino

ADVERTISEMENT
loading...