ALAMAT NG LUYA

Ang Alamat ng Luya at tauhan nito

  • Meluya : Babaeng maganda ang boses ngunit may bilog bilog at bukol sa paa

Noon unang panahon, may isang mang aawit na nag ngangalang Meluya. maganda at nag tataglay ng kaakit-akit na boses ang dalaga.

Maganda din si Meluya kaya’t maraming kalalakihan sa baryo nila ang sumusubok manligaw sakanya, ngunit ang lahat ng ito’y binigo niya.

Dahil ang sabi niya ang pangarap niya lamang ay makapag silbi sa Diyos

BASAHIN : Buwan ng Wika

Meluya : Binigyan ako ng maykapal ng magandan tinig kaya iaalay ko ito sakanya.

Dahil sa magandang tinig, hindi na gaanong pansin ang kapintasan ni meluya sakanyang paa.

Si Meluya kasi ay mayroong mabibilog at bukol bukol sa kanyang paa, na ang hirap ipaliwanag.

Araw-araw nasa simbahan si Meluya para kumanta at magsilbi sa Panginoon ngunit hindi nagtagal ay hindi na lamang pagkanta ang ginagawa niya, ultimo ang pagtuturo na din sa mga batang kasama ay ginagawa na niya.

Maraming bumibilib kay Meluya sapagkat sa kanilang lugar ang karamihan ng kababaihan ay nakapokus lang sa paghahanap ng kastilang asawa, samantalang siya ang gusto niya mag lingkod sa Panginoon.

Lumipas ang ilang taon nanatiling tapat si Meluya sa tungkulin niya sa simbahan kaya hindi na nagawa nitong makakita ng nobyo, lumipas ang mga araw nagtaka ang mga tao sa kanilang bayan, sapagkat ilang araw ng hindi nagpapakita si Meluya miski sa simbahan.

Kaya sa pag-aalala yung ibang mamamayan ng bayan ay nag desisyon na puntahan siya sa kanilang bahay, at doon nga ay natagpuan nila si Meluya na nagdedeliryo at biglaan ding binawian ng buhay.

BASAHIN : Florante at Laura

Pag lipas ng ilang pagkatapos ng pagkamatay ni Meluya ay damang dama ng mga mamamayan ang pagkawala ng kanilang pinakamagaling na mang aawit.

Kaya naisipan ng iba dalawin ang puntod niya, at nagulat ang iba na bakit parang may ligaw na halamang tumutubo sa puntod niya na kahit kelan hindi pa nila nakita.

kaya nagdesisyon silang bumalik sa bayan nila at ibalita sa iba, kinaumagahan maraming dumalaw sa puntod ni Meluya para tignan yung napapabalitang halaman.

at dahil may mga batang makukulit na sinubukan hukayin yung halaman, ay natuklasan nilang may bunga pala ito sa ilalim ng lupa, at ang bunga nito ay katulad ng mga hugis ng paa ni Meluya.

at natuklasan din nila na ang halamang itto ay maaring ilaga at inumin sapagkat nakakapag paginhawa ito ng lalamunan.

Di lumaon napagdesisyunan nila na tawagin nalang nila itong ” Meluya ” bilang bunga ng pag alala nila kay Meluya, at hindi nagtagal ay ginawa na itong luya. At dito nagtatapos ang kwento ng Alamat ng Luya

Naghahanap ka pa ba ng ibang kwentong Alamat bukod sa Alamat ng Luya ? Maaring pindutin lamang ang link na ito ( Mga Alamat | Panitikan ng Pilipinas )

ADVERTISEMENT
loading...