Ang Alamat ng Lamok at dagdag kaalaman.

Alam nyo ba na bukod sa pamamantal at pangangati sa balat, ang kagat ng lamok ay maaaring may dala rin na seryosong mga sakit. Kapag ang lamok ay nakakagat sa isang hayop o tao na apektado ng isang partikular na sakit, ang virus o parasitiko ay maaaring kumapit sa laway ng lamok, at saka makakahawa sa susunod na biktima na kaniyang kakagatin. Sa buong mundo, hindi bababa sa 1 milyong tao ang apektado ng mga sakit na nakuha mula sa kagat ng lamok kada taon. At kabilang sa mga sakit na ito ang Dengue Fever at Malaria na kilalang pinoproblema ng Pilipinas.

BASAHIN : Baybayin | Kasaysayan

Buod ng Alamat ng Lamok

Noong unang panahon sa bayan ng Tungaw, sagana silang lahat Mataba ang lupang taniman dito. Masasaya ang mga tao. Ngunit marumi sila sa kanilang kapaligiran. Madalas na naglulusak sa dumi ang mga bakuran. Nagkalat ang mga balat ng prutas kahit saan. Nanlilimahid ang mga bata sa daan.

Isang araw, laking takot ng lahat ng biglang pagkawala ng ilang mga tao, walang sinuman ang nakakaalam kung saan sila napupunta. Kahit padalas ng padalas ang mga nawawala kaya’t lumapit ang taong bayan sa kanilang makisig na hari upang humingi ng tulong.

Hari : “Magbantay tayo sa bawat sulok ng ating bayan.”

Kahit ubuhin sila sa nakasusulasok na mga basura, araw at gabing nagbantay ang mga taong bayan at mga kawal. Hanggang sa makita nila ang paglitaw ng higanteng si Amok sa may paanan ng bundok. Kinuha nito ang isang magbubukid at agad na nilulon.

Higante Amok: “ Blurp, Wala nang sasarap pa sa maruruming tao!”

Binatilyo : “Wala tayong laban sa higante.” (panlulumo ng isang binatang nangungutib ang kamiseta).

Kaya nung bumalik ang binatilyo sa bayan ng tungaw at binalita ito sa mga nakakatanda. at agaran silang nagsigawa ng Pagpupulong.

Matanda : “Mabuti sigurong umalis na lamang tayo sa Tungaw.”

Hari : “Hindi natin maaaring iwan ang ating bayan. Dapat natin itong ipagtanggol.”

Napaisip ang mga taga baryo kung anong dapat nilang gawin.

BASAHIN : Luis Taruc | Ang Makabayan

Hari : “ Mabuti pa mag isip na tayo ng paraan, sapagkat nasasarapan ang higanteng Amok sa ating karumihan. Kailangan nating maglinis upang iwanan tayo ng higante,”

Nagwalis ang kababaihan. Naligo ang mga bata. Naglaba ang kalalakihan. Saka sila naghandang muli upang ipagtanggol ang kanilang bayan.

Nang muling lumusob ang higante, pinaulanan nila ito ng pana sa dibdib. Ngunit parang walang puso ang higante. Hindi ito nasasaktan. Nilulon ng higante ang ibang kawal at dinakip ng buhay ang ilang taumbayan.

Matanda : “Wala sa dibdib ang puso ng higante kaya’t hindi siya mapatay.”

Hari : “Nasaan kaya?”

Matanda : “Walang sinumang nakakaalam”

Nag-isip nang paraan ang hari upang matuklasan kung paano mapapatay ang higante. Nang minsang mabusog ito, nagkunyaring nahimatay ang hari. Napasama siya sa mga dinakip ng buhay. Nang makarating sa kuweba, isang batang higante ang sumalubong kay higanteng Amok.

Higante Amok : “Narito ang pagkain mo. Matuto kang magtipid. Marunong nang maglinis at magtago ang mga taong marurumi.” 

Biglang bumangon ang hari at hinugot ang espada. Natakot ang batang higante.

Batang Higante : “ Hindi ko na po kayo kakainin, huwag ninyo akong patayin,”

Hari : “Nasaan ang puso ng iyong ama?”

Batang Higante : “Hindi mo dapat malaman!”

Hari : “Kung gayon ay papatayin kita!”

Batang Higante : “Nasa ilong ang puso ng aking ama kaya’t nasasarapan siya sa inyong kabahuan at karumihan.”

Itinali ng hari ang batang higante at pinakawalan ang mga taong nakakulong sa kuweba.

Hinanap ng makisig na hari ang higanteng Amok. Naabutan niya ito sa bayan.

BASAHIN : Bantas | Wastong Paggamit

Umakyat sa puno ang hari at tinaga sa ilong ang higante. Namilipit ito sa sakit. Pinagtulungan nilang itali kasama ng batang higante. Sinunog ng taong bayan.

ang mag-amang higante sa gitna ng tambak nilang basura.

Higanteng Amok : “Hindi n’yo kami mapapatay. Hangga’t marumi ang inyong paligid, babalik kami at sisipsipin ang inyong mga dugo!”

Itinapon ng taumbayan ang mga abo ng mag-amang higante sa maruming ilog.

Tumahimik na muli sa bayan ng Tungaw. Ngunit nagulat ang lahat sapagkat mula sa maruming ilog ay may maliliit na insektong lumulusob sa bayan tuwing gabi. Naninipsip sila ng dugo ng mga tao.

Naalala ng mga matatanda ang sabi ng higanteng Amok bago masunog kasama ng anak. Nilinis ng mga taga- Tungaw ang kanilang maruming ilog. Dumalang ang maliliit na insektong naninipsip ng dugo. Kinalaunan, tinawag ng mga taumbayan ang mga insektong, Lamok.

Dito nagtatapos ang kwento ng Alamat ng Lamok.

Naghahanap ka pa ba ng ibang kwentong Alamat bukod sa Alamat ng Lamok? Maaring pindutin lamang ang link na ito ( Mga Alamat | Panitikan ng Pilipinas )

ADVERTISEMENT
loading...