Anahaw

Ang anahaw ay isang pabilog na dahon ng palma na matatagpuan sa Timog-Silangang Asya. Kinilala ito bilang “Pambansang Dahon” at kasapi sa genus Livistona.

Karaniwang tanawin ang halaman na ito sa rehiyon at tumutubo sa mga sub-tropikal na mga klima at mamasa-masang tropikal na lugar.

Ang dahon ng anahaw ay malapad at pabilog at kulay berde. Ang tangkay ng dahon ay matinik at tumutubo nang paikot sa sariling katawan nito.

Ginagamit din ang mga dahon na ito sa kugon at ginagamit din para ipang-balot sa mga pagkain.

Nababawasan ang laki ng mga ligaw na halaman dahil sa sobrang pag-ani ng mga ito. Bagaman mabilis na tumutubo ang mga dahon pagkatapos anihin kaya nagiging maliit ito.

Ginagamit din ang mga dahon ng anahaw upang gawing bubong ng mga bahay kubo, pinagbigkis-bigkis o pinagsama-sama naman ang mga dahon na ito para mas maging matibay.

Ang anahaw ay umaabot sa taas na 20 metro kung ito ay tumutubo sa likas na kaligiran sa kagubatan.

Ngunit kung ito nama’y nasa hardin o iba pang artipisyal na lugar, tila napipigil ang paglaki at pagtaas ng palmang ito.

Dahil sa kintab at hugis ng dahon nito, nagagamit din itong pang-dekorasyon kapag may espesyal na pagdiriwang.

Basahin din: Pambansang Sagisag ng Pilipinas
Ang Maikling Kwento

ADVERTISEMENT
loading...