Ambuklao Dam

Ang saplad ng Ambuklao o Ambuklao Dam sa wikang Ingles ay isang malaking dam na matatagpuan sa kabundukan ng Bokod, Benguet, 36km mula sa Lungsod ng Baguio.

Bahagi ito ng Ambuklao Hydroelectric Plant—na gumagamit sa Ilog Agno upang makalikha ng kuryente. Bukod pa rito ay tumutulong ang dam na ito para kontrolin ang pagbaha tuwing sasapit ang tag-ulan.

Ginagamit din bilang irigasyon para sa mga sakahan sa Pangasinan ang tubig na naiipon mula sa Ambuklao Reservoir.

Basahin: Fort Pilar

Ang Ambuklao am ang pinakamataas at pinakamalaking dam sa buong Silangang Asya noong dekada ’50. Sumusukat ito ng taas na 129 metro at mayroong 452 metro ang haba.

Ang kalsada naman sa taas ng dam ay may elebasyong 756 metro. Kaya nitong humawak ng hanggang 327,100,000 metro kubikong tubig. Kaya rin nitong mag-ambag ng 75 megawatt ng kuryente para sa buong Luzon. Kaugnay nito, matapos itong umunlad ay umakyat ito sa 105 megawatt noong 2010.

Sinimulan ng National Power Corporation o Napocor ang pag-aaral para sa pagtatayo ng dam sa Ilog Agno noong 1948 sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Manuel Roxas. Sinimulan ang paggawa sa nasabing dam noong Hulyo taong 1950 sa pamahalaan ni Pangulong Elpidio Quirino.

Ang planta sa Ambuklao ang naging unang pangunahing proyekto ng Napocor. Ang nagsilbing contractor naman nito ang malalaking kumpanya tulad ng Guy F. Atkinson at ang Harza Engineering Company ng Chicago naman ang nagsilbing engineering consultant.

Basahin din: Angat Dam
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...