Alejandro Roces

Si Alejandro Roces ay isang Pilipinong manunulat ng maikling kwento, sanaysay, peryodista, at isa rin siyang opisyal sa gobyerno ng Pilipinas.

Isinilang siya noong ika-13 ng Hulyo taong 1924 sa Sta. Cruz, Maynila. Nakapag-aral siya ng elementarya at hayskul sa Ateneo de Manila University, at kumuha ng kurso ng Batsilyer sa Sining sa Literatura sa State University of Arizona.

Kaugnay nito ang pagkuha niya ng master sa Far Eastern University na pinaglilingkuran niya bilang propesor at dekano ng Instituto ng Sining at Letra.

Basahin: Anekdota

Ang maikling kwentong naisulat ni Alejandro Roces na pinamagatang We Filipinos are Mild Drinkers ay nagwagi ng unang gantimpala sa patimpalak sa pagsulat ng maikling kwento ng University of Arizona.

Bilang isang manunulat ng komiko, kinilala si Alejandro Roces dahil sa kaniyang mga akda tulad ng Of Cocks and Kites na nailathala niya noong 1959, at Something to Crow noong 2005.

Noong dekata ’50, nagsimulang makilala ang kaniyang pitak sa peryodiko na tinawag niyang Roses and Thorns sa pahayagang Daily Mirror at nagpatuloy sa The Manila Times at sa Philippine Star.

Silipin din: Cirilo Bautista

Naging kalihim din siya ng Edukasyon sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Diosdado Macapagal. Nagkamit din siya ng Tanging Parangal ng Gawad Sentrong Pangkultura ng Pilipinas Para sa Sining noong 1990, Gawad Patnubay ng Sining at Kalinangan ng Lungsod Maynila noong 1970, at marami pang iba.

Noong 2001, itinalaga siya bilang tagapangasiwa ng Lupon ng Pagsusuri at Klasipiksyong Pampelikula at Pantelebisyon. Iginawad din sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan noong 2003.

Basahin din: Balarila
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...