Alamat ni Maria Makiling

Karagdagang kaalaman sa Alamat ni Maria Makiling

Sa alamat ng Pilipinas, si Maria Makiling ay isang diwata na nagbabantay ng Bundok Makiling, isang bundok na matatagpuan sa Los BaƱosLaguna. Nilalarawan siya bilang isang magandang dalaga na may mahabang buhok at kulay kayumangging kaligatan.

Mga Tauhan

  • Maria Makiling
  • Dayang Makiling
  • Gat Panahon

Buod ng Alamat ni Maria Makiling

Noong unang panahon sa bayan ng Laguna ay pinamumunuan ng dalawang bathala na sina Dayang Makiling, Gat Panahon.

BASAHIN : Palaisipan | Kahulugan at mga halimbawa

Ang mga bathalang ito raw ay mayroong magandang anak na dalaga na pinangalanan nilang Mariang Makiling. Dahil sa kanyang angking kagandahan at kabaitan, si Maria ay siyang tanging lakas at ligaya ng kanyang mga magulang.

Nang pumanaw ang kanyang mga magulang, kay Mariang Makiling naiwan ang pamumuno ng nasabing lalawigan.

Kaiba sa mga naunang mga bathala, si Mariang Makiling ay nagpapakita sa kanyang mga nasasakupan. Tuwing umaga ng tiyangge, bumababa siya sa bundok Makiling at nakikihalu-bilo sa mga taumbayan.

Kasama ng dalawang katulong na mga katutubo, namimili sila ng mga kagamitan at ang ipinamamalit ay mga gintong piraso ng luya.

Sa bundok kung saan siya naninirahan ay totoong napakabuti niya, lalo na sa mga taong nandoon, laging sagana sa mga gulay at bungang-kahoy kung saan ay bukas palagi para sa mga ibig mamitas doon.

BASAHIN : Florante at Laura | Kasaysayan at mga Tauhan

Pati ang mga ibon at hayup sa gubat ay siyang paraiso ng mga mangangaso, hindi rin siya nagdadalawang isip tumulong sa mga nangangailangan, sapagkat katulad siya ng kanyang Ina.

Namumudmod siya ng mga ginintuang luya sa bakuran ng mga taong nasa gipit na kalagayan.

Sa mga ikakasal, nagpapahiram siya o nagbibigay ng mga bagay na hindi nila makayang bilhin, tulad ng mga malasutlang damit pangkasal o mga kasangkapan para sa kasalan.

At magkaganun man na kahit sobrang napakabait ni Mariang Makiling sa kanyang mga nasasakupan, may mga pagkakataon pa din na dumarating na may mga taong waring nalimot na ang mga kabutihang ipinagkaloob sa kanila ni Mariang Makiling.

Karamihan sa kanilay di man lamang marunong tumanaw ng utang na loob, walang patumangga nilang inabuso ang kagubatan ng bundok makiling sa pagkakaingin at sa pagpatay ng walang habas sa mga ibon at hayup na naninirahan doon.

Dahil dito napuno na si Maria Makiling at nagalit ito kaya nagawa niyang ipagbawal na ang mangaso o mamitas ng mga gulay at prutas sa naturang bundok.

Sa anumang pagkakamali o pagsuway sa kanyang mga utos, pinadidilim niya ang kalangitan kaalinsabay ng dumaragundong na kulot at matatalim na kidlat at nagaalimpuyong bagyo.

At higit sa lahat, hindi na siya bumaba ng bundok Makiling para makisalamuha sa mga mamamayan doon.

BASAHIN : El Filibusterismo | Kasaysayan at mga Tauhan

Sa ngayon, ang tanging matatamis na alaala na lamang ng panahong si Mariang Makiling ay nagpapakita sa tao ang naiwan sa mga taumbayan ng Laguna.

Subalit may ilan pa rin ang nagsasabing, kapag kabilugan ng buwan, makikita raw ang isang napakagandang babaing may mahabat maitim na buhok at matamis na umaawit sa madawag na kagubatan ng bundok Makiling.

Naghahanap ka pa ba ng ibang kwentong Alamat bukod sa Alamat ni Maria Makiling ? Maaring pindutin lamang ang link na ito ( Mga Alamat | Panitikan ng Pilipinas )

ADVERTISEMENT
loading...