Alamat ni Juan Tamad

Dagdag kaalaman tungkol sa Alamat ni Juan Tamad

Si Juan Tamad ay isang tauhan sa mga kuwentong bayan. Kadalasang inilalarawan bilang bata, kilala siya sa kanyang katamaran at katangahan. ito rin ay may tatlong berso.

  • Unang Berso : Ang paghintay ng paghulog ng bayabas sa puno nila habang siya ay nasa ilalim nito na nakabukas ang bibig.
  • Pangalawang Berso : Ang pagbilin sa mga talankang pinabili ng kanyang ina na mauna sa kanyang bahay.
  • Pangatlong Berso : Ang tungkol sa palayok at ang pulgas.

Buod ng Alamat ng Juan Tamad

Si Juan  ay isang bata na alam lang  gawin ay matulog. Siya ay makupad  o ayaw kumilos sa mga ni
nanais niyang gawin.Kaya binansagan siya ng kanyang ina na “Juan Tamad”.

Isang araw gusto ni Juan Tamad na kumain ng isang bayabas , ngunit sa sobrang tamad niya ay ayaw.

niyang mapagod sa pagpitas nito.At napansin niya na may mga bayabas na nahuhulog sa puno nito.

BASAHIN : Alamat ni Bernardo Carpio

Nagpasiya lamang siya na humiga sa ilalim ng puno na  katapat ng bunga na bayabas.Ayon kay Juan, ay hihintayin na lamang niya itong mahulog sa kaniyang bibig.

Nakita siya ng isang babae na ang ngalan ay Maria Masipag ito  ay maganda at napakamasipag na babae na puro alam ay gawin ang mga gawaing bahay.Sinabihan nya si Juan na wala siyang mapapala kung di nya iyon pipitasin.

Si Juan ay nagandahan siya kay Maria at agad niya itong sinunod. Napalapit siya dito pero ang mama ni Maria ay ayaw siya nito. Dapat muna daw ay magbago si Juan upang tanggapin sya ng mama ni Maria.

Si Juan ay nagbabago na at nagulat ang kanyang mga magulang na siya ay talagang masipag na ngayon. Na dating Juan ay ang alam lang ay matulog kumain, pero ngayon ay gumgawa na sya ng mga gawaing bahay. At sinagot na siya ni Maria.

Pagkalipas ng ilang taon si Juan Tamad ay binansagan na “Juan Tama”. at dito nagtatapos ang kwento ng Alamat ni Juan Tamad.

Naghahanap ka pa ba ng ibang kwentong Alamat bukod sa Alamat ni Juan Tamad ? Maaring pindutin lamang ang link na ito ( Mga Alamat | Panitikan ng Pilipinas )

ADVERTISEMENT
loading...