Alamat ng Unggoy

Ang Alamat ng Unggoy at tauhan nito

  • Mara
  • Karim

Noong unang panahon, may mag inang si Mara at Karim na naninirahan sa isang nayon malapit sa gubat. Si Karim ay sampung taon gulang na at ito’y may kakaibang ugali.

BASAHIN : Alamat ng Saging

Sutil siya, matakaw, maninira, mang-uumit anumang bagay na kanyang mahawakan ay nasisira matapos butingtingin, kahit gaano karaming pagkain ang itago ng kanyang ina ay inuumit at inuubos niya.

Si karim ay maharut, magulat at may katusuhan. Iniiwasan siya ng mga bata kaya madalas makikita mo siyang nasa taas ng puno na may kinakain na saging o mabulo.

Dahil sa nag-iisang anak, kahit anuman ang gawin ni Karim ay mahal pa siya ng ina sa katunayan si Mara lang ang gumagawa sa loob ng bahay, si karim ay hindi niya inuutusan dahil maghapon siyang wala

Naroon siya sa bakuran, kung di naman ay sa loob ng gubat at naglalambiitn sa mga baging. Si karim ay kinamumuhian ng kanilang kanayon dahil puro kabuwisitan ang ginagawa niya.

May nagsasabing inubos dwa ni Karim ang bunga ng kanilang saging, may nagsusumbong naman na kinagat daw at kinalmot ni karim ang kanyang anak.

Isang araw ang kanyang ina na si Mara ay nag tungo sa kaingin upang humukay ng kamote, bago siya umalis ay pinagbilinan ang anak na magsaing ng kanilang pananghalian

Bilin ng kanyang ina
Mara : ” Huwag mong lalakasan ang apoy, mahirap na ang masunugan “

Pag alis nga ng ina niya ay nagsaing agad si Karim, habang binabantayan ang niluluto, siya’y nakatulog kaya nasunog ang kanin.

BASAHIN : Rizal Park | Ang Pambansang Parke

Isang pirasong gatong ang natikwas at nalaglag sa sahig at ito’y nagliyab at nagsimulanjg masunog ang bahay, nagising si Karim at tumakbo patungo sa loob ng gubat, hindi makapaniwala ang kanyang inang si Mara nang makita ang nangyari sa bahay.

At bigla niyang naalala si Karim kaya tinawag niya ito ngunit walang sumasagot, kaya nagmadali itong nagtungo sa gubat subalit talagang wala si Karim, Sa matinding galit ay naisumpa niya ang anak na si Karim.

Mara : ” Karim dahil sa kasamaan mo’y isinusumpa kita! sanay maging isang hayop ka. “

Samantala’y unti-unting nagbago ang anyi ni Karim. Ang buong katawan niya’y tinubuan ng mahabang balahibo. At nagkaroon siya ng buntot, pagkalipas ng ilang oras ay nagising si mara at laking gulat niya ng makita niyang isa nang unggoy si Karim. Nagsisi at napaluha siya subalit huli na ang lahat

At dito nagtatapos ang kwento ng Alamat ng Unggoy

Naghahanap ka pa ba ng ibang kwentong Alamat bukod sa Alamat ng Unggoy ? Maaring pindutin lamang ang link na ito ( Mga Alamat | Panitikan ng Pilipinas )

ADVERTISEMENT
loading...