Alamat ng Pipino

Alamat ng Pipino at tauhan nito.

  • Rupino
  • Paula
  • Tirso

Nagsimula ang Alamat ng Pipino Noong unang panahon sa Lumang taal sa bayan ng Balangay sa Batangas, ay may mag-asawang si Rupino at Paula, sila ay may anak at ito ay si Tirso.

BASAHIN : Alamat ng Saging

Sa halip na maging maalaala at mapagmahal sa aswa’t anak si Rupino ay totoong pabaya. Siya ay napakatamad at napakasugarol pa.Kaya upang sila ay mabuhay, si Paula ang siyang naghahanap-buhay.

Isang araw, si paula ay nagluto ng pananghalian. Si Rupino ay pinakiusapan ni Paula na magsibak ng kahoy sa labas upang may magamit na pang gatong sa iniluluto,

Matagal tagal din kinausap ni Paula si Rupino hanggang sa mapapayag niya ito, datapwa’t hindi pa halos nangangalahati ng pag sibak ng kahoy si Rupino , dahil siya raw ay pagod na.

Rupino : “Paula, Paula” (Sigaw ni Rupino) “Napakasakit ng ulo ko. Para bang mabibiyak

Nalalaman ni Paula na si Rupino at nagdadahilan lamang sapagka’t marahil ay tinatamad at sinusumpong ng pagsususgal.

PAULA: “Saan ba ako kukuha ng oiso?” ang sagot ni Paula. “At saka anong sakit ng ulo ang sinasabi mo? Ang totoo’y ibig mo lang magsugal. Sulong! Kung ayaw mong magsibak ngkahoy ay umalis ka at ako ang magsisibak.”

Si Rupino ay umalis na ngingiti-ngiti pa. Hindi siya nagbalik kundi nang inaakala niyang luto na ang pagkain.

RUPINO : “Paula, maghain ka nga,” ang utos niya sa asawa. “Nagugutom ako.”

Si Paula naman na nakalimot na sa kanyang galit ay madaling sumunod

PAULA : “Tirhan mo ng kaunting kanin at kaunting ulam si Tirso,” ani Paula. “Siya’y hindi pa kumakain sapagka’t inutusan ko.” . Ngunit nasarapan si Rupino sa pagkain. Nang maalala niya ang pagtitira sa kaunting kanin at ulam kay Tirso ay naubos na niyang lahat ang kanin at ulam.

Nang dumating si Tirso at maghalungkat sa paminggahan ay nakita niyang ubos na ang lahat ng ulam at kanin.

Tirso : “ Inay wala na ulam at aa hapagkainan at mga palayok. Simot na simot po ang mga palayok.”

Paula : Hindi mo ba tinirhan ng pagkain ang iyong anak?

RUPINO : ” Aba tinirhan ko, Baka kinain ng mga hayop. “

At si Rupino ay lumabas at hinanap ang pusa at aso. Ang hayop ay pinagpapalo ni Rupino hanggang ang pusa at aso ay mag talunan sa batalan.

Lumipas ang ilang araw at dumaan ang araw ng tag-ani ng palay, upang meron silang makain ang mag-inang Paula at Tirso ay tumutulong sa pag-aani ng palay sa kanilang mga kapit-bahay na may palayan. Ang mga palay na inuupa sa kanila ng kanilang mga tinulungan ay tinatago nila sa isang malaking banga sa gilid ng silid ng kanilang tahanan,

Isang araw sa paghahalungkat ni Rupino sa loob ng silid ay natagpuan niya ang banga ng palay. Nang makita niya ito na punong-puno ang banga ay napangiti ng lihim. Alam na niya ang kanyang gagawin, mapaglalangan na naman nya si paula.

BASAHIN : Green Jokes

Nang dumating na ang mag-jna galing sa bukid ay dinatnan nila si Rupino na naghihimas ng manok. Bakas sa mukha ni Rupino na ito ay malungkot na malungkot.

Paula : “Aba, ano ang nangyari sa iyo?” ang usisa ni Paula. “Baki parang Biyernes Santo ang mukha mo?”

Rupino : “Masama ang nagyari eh, natalo ako sa tupada. “

Paula : Oo, eh ikaw ba naman ay nanalo na? ang pinagtataka ko lang san ka kumuha ng salapi na ipinatalo mo?”

Rupino : “Iyon nga ang sasabihin ko sa iyo, e. Nakita ko ang palay na tinitipon ninyo sa banga at ipinagbili ko. Ang iniisip ko kasi ay kung yung pinagbilan ay maparami ko ay gugulatin kita. Nguni’t talaga yatang minamalas ako lahat ng pinagbilan ko ay natalo.”

Si Paula at Tirso ay hindi nakakibo. Si Paula ay nanlambot na lamang at nangilid na ang luha. Pumanhik nalamang ang mag ina na latang lata.

Si Rupino ay maliksing tumayo ng si Paula at Tirso ay pumanhik na sa itaas. Tuwang-tuwa siya samantalang siya ay nagbibihis. Ang totoo’y hindi pa natatalo ang sampungpisong pinagbilan niya ng palay. Ang limang piso ay nasa bulsa niyaat ang lima pa ay nasa lambat na nakasuksok sa kanilang silong. Ang limang pisong nasa bulsa niya ay dadalhin niya sa sugalan. Kung sakaling matalo ay maaari pa siyang umuwi at kumuha ng puhunan.

BASAHIN : PNR Schedule: IRRI to TUTUBAN (Vice-versa)

Tirso : “Inay, paano ang gagawin natin ngayon? Nasayang lamang ang pagod natin.”

Paula : “Bayaan mo na anak, at ako’y maghahanap ng maipagbibili, Makakaraos din tayo sa awa ng Dios.”

Si Paula ay naghalungkat ng anumang maipagbibili sa loob ng bahay ngunit wala siyang makita. Nanaog siya at baka sakali sa silong aymay Makita siya. At hindi nga siya nagkamali sapagka’t at namataan niya ang lambat na nakasabit sa isang haligi.Ang lambat ay kinuha ni Paula at madaling ipinagbili sa Intsik. Ang pinagbilan ay madaling binili ni Paula ng kalahating kabang bigas at ng maiulam na nila ng marami-raming araw.

Si Paula ay kasalukuyang naluluto ng si Rupino ay dumating na humahangos.

Paula : “Kakain ka na ba? malapit ng maluto ang ulam.”

Rupino : Huwag mo akong abalahin,”

Ang payamot na sigaw ni Rupino at nanaog uli. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa silong. Walang anu-ano ay mabilis na umakyat sa hagdan si Rupino.

Rupino : “Ang lambat? ang humahangos niyang usisa. Ano ang ginawa mo sa lambat?”

Paula : “Ha? Lambat? Ipinagbili ko at ang pinagbilan ay binili ko ng kalahating kabang bigasat ng maraming ulam.”

Rupino : “Ipinagbili mo! Ipinagbili mo ay may lamang limang piso iyon!”

Si Rupino ay nanginginig na lumpit sa asawa. Sinampal niya ito ng ubod-lakas, sinuntok at sinipa. Hindi pa yata nakasiya roon ay hinawakan niya sa ulo si Paula at ipinukpok ng ipinukpok ang ulo nito sa dinding ng bahay.

Rupino : “Hindi mo nalamang itinago ko sa lambat ang kalahati ng pinagbilan ko sa palay?”

Paula : “Diyos ko! Labis labis na po ang mga pagtitiis naming ng anak ko sa taong ito. Diyos ko, kaawaan mo po kami! Maano pong Mo na ang taong ito at ng kami ng anak mo ko ay makatikim na ginhawa!”

At anong laking himala ang nangyari. Isang napakatalim na kidlat ang biglanggumuhit, kidlat na sinundan ng kulog na nakatutulig. Si Paula at Rupino ay nawalan ng malay-tao.

Nang si Paula ay pagsaulan ng hininga ay nakita niyng si Rupino ay maitim na maitim at patay na. Si Rupino pala ay tinamaan ng kidlat. Samantalang pinagmasdan niya ang mukha ni Rupino ay may narinig siyang isang tinig na nagsasabi ng ganito

BASAHIN : Mga Anyong Tubig (Bodies of Water)

“Ibaon mo sa inyong halamanan ang bangkay ng iyong asawa. Sa puntod ng kanyang libingan ay may sisiot ng isang halaman. Alagaan mong mabuti ang halamanang iyansapagka’y iyay pakikinabangan ninyo. Si Rupino ay di nakatulong sa inyo noong siya y nabubuhay. Ngayong siya’y patay na ay makatulong sana siya sa inyo”

Hindi naman naglaon at isang baging na maganda at malusog ang sumulpot sa puntod ng libingan ni Rupino Ang baging madaling lumaki at namunga, at nang anihin ni Paula ang bunga ng baging at kanilang kainin ay anong sarap ang mga bungang iyon sa panlasa. Ang baging na iyon ay ang unang pipino sa daigdig. At sapagka’t ang baging ay sumipot sa puntod ni Rupino, tinawag itong pipino.

Dito na nagtatapos ang Alamat ng Pipino.

Naghahanap ka pa ba ng ibang kwentong Alamat bukod sa Alamat ng Pipino ? Maaring pindutin lamang ang link na ito ( Mga Alamat | Panitikan ng Pilipinas )

ADVERTISEMENT
loading...