Alamat ng Pinya

Ang Alamat ng Pinya at Pangunahing Tauhan nito

  • Aling Rosa : Nanay ni Pina
  • Pinang : Anak ni Aling Rosa

Sa isang malayong pook may mag inang si Aling Rosa at si Pinang, mahal na mahal ni aling rosa ang kanyang nag iisang anak, kaya si Pina ay laki sa layaw sa kanyang ina

Magkaganun pa man gusto pa din ni aling Rosa na matuto ito ng mga gawaing bahay, ngunit laging kinakatwiran ni Pinang na alam na niyang gawin ang mga itinuturo ng ina. Kaya’t pinabayaan nalang niya ang kanyang anak.

Isang araw nagkasakit si Aling Rosa, Hindi siya makabangon at makagawa ng gawaing bahay. Inutusan niya si Pinang na magluto ng lugaw. Isinalang ni Pinang ang lugaw ngunit napabayaan dahil sa kalalaro. Ang lugaw ay dumikit sa palayok at nasunog.

BASAHIN : Alamat ng Bahaghari

Magkaganun mang nagpasensiya na lang si Aling Rosa, napagsilbihan naman niya kahit paano ang anak.

Nagtagal ang sakit ni Aling Rosa kaya’t napilitang si Pinang ang gumagawa sa bahay. Isang araw, sa kanyang pagluluto hindi niya makita ang posporo, kaya tinanong niya ang kanyang ina kung nasaan ito.

Isang beses naman ay ang sandok ang hinahanap. hanggang sa tumagal ay Ganoon ng ganoon ang nangyayari. kapag may mga bagay na hindi niya makita ay agad tinatanong ang kanyang ina.

Kaya nayamot si Aling Rosa sa katatanong ng anak kaya┬┤t nawika nito: ” Naku! Pinang, sana’y magkaroon ka ng maraming mata upang makita mo ang lahat ng bagay at hindi ka na tanong nang tanong sa akin.

Dahil alam niyang galit na ang kanyang ina ay di na umimik si Pinang. Umalis siya upang hanapin ang sandok na hinahanap.

Kinagabihan, wala si Pinang sa bahay. Nabahala si Aling Rosa. Tinatawag niya ang anak ngunit walang sumasagot. Napilitan siyang bumangon at naghanda ng pagkain.

BASAHIN : Bugtong Tagalog Part 2

Pagkaraan ng ilang araw ay magaling-galing na si Aling Rosa. Hinanap niya si Pinang. Tinanong niya ang mga kapitbahay kung nakita nila ang kanyang anak. Ngunit naglahong parang bula si Pinang.

Hindi na nakita ni Aling Rosa si Pinang. Isang araw, may nakitang halaman si Aling Rosa sa kanyang bakuran. Hindi niya alam kung anong uri ang halamang iyon. Inalagaan niyang mabuti hanggang sa ito’y magbunga. Laking pagkamangha ni Aling Rosa ng makita ang anyo ng bunga nito.

Ito’y hugis-ulo ng tao at napapalibutan ng mata. Biglang naalaala ni Aling Rosa ang huli niyang sinabi kay Pina, na sana’y magkaroon ito ng maraming mata para makita ang kanyang hinahanap. Tahimik na nanangis si Aling Rosa at laking pagsisisi dahil tumalab ang kanyang sinabi sa anak.

Inalagaan niyang mabuti ang halaman at tinawag itong Pinang, Sa palipat-lipat sa bibig ng mga tao ang pinang ay naging pinya.

Naghahanap ka pa ba ng ibang kwentong Alamat bukod sa Alamat ng Pinya ? Maaring pindutin lamang ang link na ito ( Mga Alamat | Panitikan ng Pilipinas )

ADVERTISEMENT
loading...