Alamat ng Pilipinas

Alamat ng Pilipinas at tauhan nito

  • Lus
  • Bisaya
  • Minda

Noong unang panahon wala pang tinatawag na bansang pilipinas. Mayroon lamang na maliit na pulo. Noong hindi pa rin ito bahagi ng mundo.

May nakatira ritong isang higante, ang kuweba niya ay matatagpuan sa kalagitnaan ng pasipiko. kasama niyang naninirahan ang kanyang tatlong anak na babae, sina Minda, Lus at Bisaya.

Isang araw kinakailangang umalis ang amang higante upang mangaso sa kabilang pulo. Kailangang maiwan ang tatlong magkakapatid kaya, pinagsasabih.

Huwag kayong lalabas ng ating kuweba, ang bilin ng ama.  Diyan lamang kayo sa loob dahil may mga panganib sa paligid.  Hintayin ninyo ako sa loob ng kuweba.

Tatlong dalaga : Opo Ama (sagot ng tatlong dalagita).

At umalis na nga ang amang higante, pagkatapos nun ay naisipang ng tatlong magkkabait maglinis, sinigurado nilang maayos ito mabuti upang kahit sa gantong paraan manlang makabawi sila sa kanilang ama.

Ng mga oras din na iyon si Minda ay hindi tumutulong, sapagkat hindi ito masunurin sakanang ama, lingid din sa kanyang kaalaman at kanyang mga kapatid, lumabas pala si Minda at namasyadl ito

Tuwang-tuwa si Mindang naglalaro ng mga along nanggagaling sa gitna ng dagat. Namasyal siya at hindi niya napansin na malayo na pala siya sa tabi ng dagat.  Habang siya ay naglalakad, isang malaking malaking alon na masasabing dambuhala ang lumamon kay Minda.  Nagsisisigaw siya habang tinatangay ng alon sa gitna ng dagat.

Tulungan ninyo ako! sigaw ni Minda. Narinig nina Lus at Bisaya ang sigaw ni Minda.  Abot ang sigaw sa kuweba. Tumigil ang paggawa ng dalawa.

Lus : Bisayaa tignan mo si minda! humihingi ng tulong ( sabi niya habang nanlalaki ang mata )

Bisaya : Oo nga halika na yaya ni bisaya sa kaya

Lus : Ayun oh ! (Turo ni Lus)

Bisaya : Hindi naman marunong lumangoy si Minda (habang tumatakbo sila papunta kay minda at napaiyak na si Lus)

Mabilis nilang nilusong si Minda. Malalim pala doon.  Inabot nila ang kamay nila sa kapatid. Naku, pati sila ay nadala ng dambuhalang alon.  Kawag, sipa, taas ng kamay, iyak, sigaw at walang tigil na kawag. At sa kasamaang palad ang tatlong anak na babae ng higante ay hindi na nakaahon.

Nang dumating ang higante nagtataka siya kung bakit walang sumalubong sa kanya.  Dati-rati ay nakasigaw sa tuwa ang tatlo niyang anak kung dumating siya.  Wala ang tatlo sa kuweba.  Ni isa ay wala roon.

Naghahanap ka pa ba ng ibang kwentong Alamat bukod sa Alamat ng Pilipinas? Maaring pindutin lamang ang link na ito ( Mga Alamat | Panitikan ng Pilipinas )

ADVERTISEMENT
loading...

1 COMMENT

Comments are closed.