Alamat ng Palendag

Dagdag Kaalaman sa Alamat ng Palendag

Ang Palendag ay isang instrumentong pang-musika ng mga taga Mangindanaw. Ito’y galing sa salitang Mangindanaw na Lendag, na nangangahulugang ” PAGHIKBI ” gawa ito sa isang uri ng kawayang tinatawag na bakayawan ang mga katutubo. Ito’y may habang dalawa hanggang tatlong talampakan may tigdadalawang butas sa magkabilang gilid sa isang pulgada ang pagitan.

BASAHIN : Buod ng Banaag at Sikat

Tinutugtog ito na gaya ng plauta. Karaniwang tinutugtog ito ng isang nabigong mangingibig upang aliwin ang sarili. Nabibigyang-kahulugan ng isang mahusay na tumugtog sa palendag ang iba’t ibang damdamin at nakalilikha ng isang maganda at makaantig- damdaming musika.

Ang buod ng Alamat ng Palendag

Ayon sa Alamat, may isang binatang umibig sa pinakamagandang dalaga sa pook nila. Nagkakaisa ang kanilang damdamin, ngunit dahil sa ipinagbabawalan ng tradisyong Mangindanaw ang pagliligawan.

Lumipas ang ilang araw ang kanilang pagmamahalan ay nanatiling lihim, lihim man ang pag-iibigan, waring walang hanggan ito.

Isang araw tinawag ng Datu ang binata, bilang isang kawal ng sultan, paglipas ng ilang araw binigyan siya ng misyon sa isang malayong lugar, at bago ito umalis napagdesisyunan nito na sana bago siya umalis makita niya ang kanyang Nobya.

At sa pamamagitan ng isang kaibigan, nagkaron sila ng pagkakataon na magkita, at nagkita na nga silang dalawa bago makaalis ang binata.

Pagkatapos ng pagkakausap nalungkot ang dalaga sa nalamang misyong ng lalaki, ngunit sabi naman ng lalaki na huwag mag alala at uuwi agad pagkatapos ng misyon, ipinangako rin niyang susulat nang madalas.

BASAHIN : Huling Paalam | Mga sipi at Salin

Ng araw din na iyon umalis na ang binata upang tahakin ang kanyang misyon. sa unang ilang linggo, panay ang dating ng sulat na punung-puno ng pagmamahal at pag-aalala. Pagkatapos ng ilang buwan, dumalang ang dating ng sulat hanggang sa ito’y tuluyang nawala.

Ngunit isang araw may nakakalungkot na balitang dumating galing sa pinsan ng binata, kaya nalaman ng dalaga na ang binata ay ikinasal sa ibang babae, sa lugar ng kanyang misyon.

Lubhang nasaktan ang dalagang manghahabi.  Upang maitago ang kalungkutan sa mga magulang, maraming oras ang ginugugol niya sa kanyang habihan.  

Parati siyang umiiyak nang tahimik.  Ang kanyang luha’y laging pumapatak sa kapirasong kawayang ginagamit sa paghabi.  

Nagkabutas ang kawayan dahil sa laging pagpatak dito ng luha ng dalaga.  Isang araw, sa di sinasadyang pagkakataon, nahipan niya ito at lumabas ang isang matamis at malungkot na tunog.  

Mula noon, inaliw niya ang sarili sa pagtugtog ng palendag, ang pangalang ibinigay sa kakaibang instrumentong pangmusika.

BASAHIN : Mi Ultimo Adios | Kasaysayan ng Tula

Naghahanap ka pa ba ng ibang kwentong Alamat bukod sa Alamat ng Palendag ? Maaring pindutin lamang ang link na ito ( Mga Alamat | Panitikan ng Pilipinas )

ADVERTISEMENT
loading...