Alamat ng Ibong Maya at tauhan nito

  • Rita : Batang pasaway

Noong unang panahon, may isang batang ubod ng likot. Ang pangalan niya ay Rita

Maliban sa pagiging malikot ay may mga bagay ding ginagawa si Rita na di dapat gawin ng mga batang kasing gulang niya at dahil dito ay naiinis ang kanyang ina sa kanya.

BASAHIN : Alamat ng Bulkang Pinatubo

Araw-araw lagi naglalaro si Rita at hinahayaan lang ito ng ina, ngunit may isang araw na matapos mapagod si Rita maglaro ay umuwi ito sa kanila tahanan.

At dahil sa pagod kahit nakita niyang nagbabayo ng palay ang kanyang ina ay pinanood niya lang ito sa kanyang ginagawa. nang makapagbayo na ng isang salop ng bigas ang kanyang ina, kinuha niya ito mula sa lalagyan at kinain sa sobrang gutom mula sa paglalaro.

Ang lagayan nila ng napagbayuhan na bigas ay napakalaki at may takip na bilao, kaya hindi napansin ng ina ang anak dahil sa natakpan na pala ito ng bilao.

Nang matapos na ang ina sa pagbabayo ng bigas ay tinawag niya si Rita upang mautusan ito upang maitago na ang mga binayo, ngunit hindi ito sumagot. Marahil ay naglalaro lamang o hindi gustong mapag-utusan ay hinanap ng ina ang malikot niyang anak. Hindi niya ito mahanap sa lahat ng madalas nitong pagtaguan.

BASAHIN : Kadayawan Festival

Nang bubuhatin na niya ang lalagyan ay nalaglag ang bilaong takip nito at may nakita siyang maliit na ibon sa loob nito. ang maliit na ibong iyon ay malikot at kumakain ng bigas. Ang ibong iyon ay si Rita na ngayon ay tinatawag ng maya ng nanay niya.

Ito na ang pagtatapos ng Alamat ng Maya.

Naghahanap ka pa ba ng ibang kwentong Alamat bukod sa Alamat ng ibong Maya ? Maaring pindutin lamang ang link na ito ( Mga Alamat | Panitikan ng Pilipinas )

ADVERTISEMENT
loading...