ALAMAT NG DURIAN

Ang Alamat ng Durian at Pangunahing Tauhan

  • Aling During – kilala rin siyang masungit na matandang during

Sa isang bayan sa Mindanao sa may paanan ng bundok ay may isang malawak na bakuran na napapaligiran ng napakaraming puno, at ang bakuran na ito ay pagmamay-ari ni Tandang During.

Ang maliit niyang kubo ay nakatayo sa gitna ng malawak niyang bakuran na naliligid ng mga puno.

BASAHIN : Alamat ng Makahiya

Si Tandang During ay nasanay nang mamuhay na nag-iisa. Mula nang mamatay ang asawa at mga anak ay hindi na siya umalis sa paanan ng bundok.

Tahimik siyang tao at dahil matanda na ay mas ibig pa niyang asikasuhin na lang ang mga tanim na halaman, masungit si Tandang During kaya iniiwasan ng mga tao

kasi noong kamamatay palang ng mga mahal niya sa buhay ay marami ang nag-alok ng tulong ngunit tinanggihan niya. kaya dahil dun ay unti-unti na ring lumayo sa kanya ang mga tao hanggang maging panakot na lamang siya sa makukulit na mga bata.

Ilang taon ang nagdaan si Tandang During ay gayon parin, nag iisa sa kubo sa paanan ng bundok at hindi naki-salamuha sa mga tao.

Isang gabi sa taon din na iyon biglang itinaboy ng hanging amihan ang isang kakaibang amoy sa komunidad, hindi nila alam kung anong amoy na iyon at kung saan galing.

Nanatili ang amoy nang sumunod pang mga araw at habang tumatagal patindi ito ng patindi, kaya nagpasya na ang mga tao na hanapin ang pinanggalingan ng amoy.

Nagkaisa silang puntahan ang kubo ni Tandang During nang ma tiyak na doon nanggagaling ang amoy. Hinanap nila ang matanda ngunit hindi nila ito nakita. Sa halip ay nabaling ang pansin ila sa isang puno na ang mga bunga ay may matitigas na balat at matatalim na tinik. Dahil sobrang hinoy ay nagsisimula nang bumuka ang mga prutas. Isang lalaki ang umakyat ng puno para kumuha ng bunga. Nagtakip sila ng ilong nang buksan ang prutas pero pare-pareho ring nasarapan sa lasa ng prutas na iyon. Nagsipitas sila ng mga bunga at iniuwi sa kani-kanilang bahay.

BASAHIN : Alamat ng Pinya

Nang may makasalubong silang isang matanda na tagaibang lugar at itinanong kung ano ang dala nilang prutas ay iisa ang sagot nila. “Bunga ng tanim ni Tandang During ‘yan”, sabi nila.

During yan ang pagkakaintindi sa kanila ng matanda. Kaya nang bigyan nila ito ng bunga at itanong ng mga kakilala kung ano iyon ay sinabi nitong ang pangalan ng prutas ay during yan. Kalaunan ay naging durian.

Naghahanap ka pa ba ng ibang kwentong Alamat bukod sa Alamat ng Durian ? Maaring pindutin lamang ang link na ito ( Mga Alamat | Panitikan ng Pilipinas )

ADVERTISEMENT
loading...