Alamat ng Buwaya

Alamat ng Buwaya at tauhan nito.

  • Mang Waldo
  • Aling Busyang
  • Aya
  • Don Segundo

BASAHIN :Felix Manalo | Huling Sugo ng Diyos sa mga Huling Araw

Noong unang panahon, may mag asawang pagtatanim at pagbebenta ng gulay ang kinabubuhay ng mag-asawang Waldo at Busyang na parehong masipag at mabait.

Kung pag uugali ang pag uusapan ay walang maiipipintas sa mag-asawang ito, maliban nalang sa kanilang pisikal na anyo, napakapangit kasi ni Aling Busyang at napakapandak naman ni Mang Waldo.

Gayunpaman, ang kapintasang iyon ay hindi nakikita ng mga tao dahil sa kagandahang loob na ipina mamalas ng mag-asawa. Bilang ganting langit sa mga kabutihan nina Waldo at Busyang, sila ay pinagkalooban ng isang anak na pagkaganda-ganda. 

Tibig ng ligaya ang puso ng mag-asawa sa pag kakaroon ng maipagmamalaking anak. Nakiisa naman sa kanilang kagalakan ang mga kapitbahay. Marami ang nagpasalamat dahil hindi naging kamukha ng sanggol ang kanyang ama at ina. Palibhasa kaaya-ayang pagmasdan ang magandang mukha ng anak nila na pinangalanan na Aya.

Lumipas ang ilang taon, habang lumalaki na ang batang si Aya, napapansin nilang ito’y nagiging salbahe, napakasinungaling at maramot. Dahil sa ugali ni Aya na hindi maganda.

BASAHIN : Bantas | Wastong Paggamit

Siya ngayon ay kinaiinisan ng mga taong dati ay sa kanya pumupuri. Sa pagdadalaga ni Aya ay lalo itong naging mapagmataas, utos at bilin ng magulang ay hindi nito pinakikinggan, sa halip kung ano ang pinagbabawal at masama ay siya nitong ginagawa.   

Aling Busyang : “Anak, iwasan mo si Don Segundo, baka ikaw ay mapahamak”

Aya : “Tse! Anong pakialam nyo? Bakit maibibigay ba ninyo ang naibibigay sa akin ni Don Segundo?”

Upang huwag nang lumaki ang gulo ay tumahimik na lang si Busyang, nagpatuloy naman sa pakikipagtagpo sa mayamang Don Segundo ang ambisyosang anak. 

Isang araw natuklasan nila na nagdadalantao si Aya, sa pagkakataong ito ay nagawa pa ring magtimpi ng ama, hindi sinumbatan ang dalagang nagkamali.

Masakit para sa isang ina ang sinapit ng kanyang anak ngunit masaya sa kaloobang tinanggap iyon ni Busyang. Baka sakaling magbago si Aya kung ito ay isa na ring ina. Datapwat mali sila ng akala, sapagkat ang anak ay hindi nagbago.

Nangyari pa nagmistulang itong reyna kung utusan ang ama at ina. Madalas ang anak pa ang nagagalit kapag ang pagkaing maibigan ay hindi agad maibigay.

BASAHIN : Luis Taruc | Ang Makabayan

Isang araw, kararating pa lang ng mag-asawa mula sa psgtitinda ng gulay, galing sa kuwarto ay lumabas si Aya at hiningi ang ipinagbiling prutas. Humingi ng paumanhin ang inang makakalimutin subalit nagsiklab sa galit ang anak na sutil. 

Aya : “Puwee! Pangit na nga kayo ay mangmang pa! Walang silbi! Bumalik ka sa bayan ngayon din!” ( bulyaw nito sa ina ).

Ang kasamaan ng anak ay kaya pa nilang pagtiisan ngunit ang paglalait at paghamak sa kanila bilang magulang ay hindi na niya mapalampas. Labis-labis na ang ginawa nilang pagbibigay, hindi naman sila nagkulang ng pangaral at pagtuturo kay Aya subalit bakit lumaki itong matigas ang ulo? Sa sama ng loob ng ama, ang irog na anak ay kanyang naitulak. Sa pagkakatumba ni Aya, nanlilisik pa ang mga matang tumingin sa ama. 

Aya : “Papatayin ko kayo!” ( Pagbabanta ni Aya habang tumatayo )

Mang Waldo : “Kung kasamaan pa rin ang nasa iyong pagiisip, sanay huwag kanang makatayo”. (Dala ng kaubusan ng pasensya)

Mga katagang mula sa kanyang puso na punong-puno ng hinanakit. Dinig ng langit ang hiling ni Waldo upang ang paghihirap nila ay mabigyan ng wakas. Ang parusang angkop sa suwail na anak ay iginawad. Hindi na nga nakatindig si Aya at sa inis nito ay gumapang patungong hagdanan.

Aya : “Lumayo kayo sa akin! Wala akong magulang tulad ninyo! Lalayas na ako sa bahay na ito. Tandaan ninyo, kapag nagkaroon ako ng pagkakataon, papatayin ko kayo!” 

Pagapang na bumaba ng hagdanan ang anak, sa pagsayad ng mga kamay nito sa lupa ay unti-unti itong nagbago. Nagkataon namang may mga nagdaraan at kitang-kita nila ang nagaganap sa nagdadalang-taong si Aya.

Aling Busyang : “Diyos ko, ano po itong nangyayari sa aming anak?”

Napasigaw ang mga naguusyoso : “Dambuhalang bayawak!” 

BASAHIN : Sekularisasyon | Kasaysayan

Subalit sa kabangisang ipinakita nito ng sakmalin ang nakataling kambing ay napagtanto nilang hindi bayawak kundi mabangis na hayop. Sa takot mamatay ay nagmadaling tumakas si Aya, mula noon buwaya na ang tawag sa ito.

Ang galit ng unang buwaya sa kanyang mga magulang at sa tao ay nagpasalin-salin sa lahat ng buwaya hanggang sa kasalukuyan na panahon. at dito nagtatapos ang Alamat ng Buwaya.

Naghahanap ka pa ba ng ibang kwentong Alamat bukod sa Alamat ng Buwaya ? Maaring pindutin lamang ang link na ito ( Mga Alamat | Panitikan ng Pilipinas )

ADVERTISEMENT
loading...