Alamat ng Butiki

Alamat ng Butiki at tauhan nito

  • Kiko
  • Aling Nena
  • Mang Andring

BASAHIN :Mount Pulag | Kasaysayan

Noong unang panahon sa isang malayong lugar, may isang batang ubod ng pilyo at pakialamero sa lahat ng bagay. Marami tuloy ang nagagalit at ayaw sakanya, kaya madalas mapalo at mapagalitan si Kiko ng kanyang amang si Mang Andring at inang si Aling Nena.

Gayunpaman, wala ring kadala-dala ang batang ito na lalong tumigas ang ulo at wala pang galang sa matanda. Dahil dito walang may gustong makipagkaibigan sa kanya.

Palibhasa’y walang kalaro, ang mga hayop na lang ang ginawang libangan nito. Ang maaamong hayop ay nagiging mailap dahil sa pananakit ni Kiko. Kalaunan, pati ang tanim ng may tanim ay lihim nitong sinisira.

Isang araw nga eh, habang abalang abala ang kanyang ina na si Aling Nena sa pagwawalis sa kanilang bakuran, nakita ni Kiko na may punso at agad niya itong nilapitan at walang sabi-sabing winasak ito. Galit na galit tuloy ang kanyang ina sakanya, pagkatapos pagalitan si kiko ay abut-abot ang kanyang pahingi ng paumanhin sa mga duwende.

Aling Nena : Mga ninuno, patawarin nyo po sana ang aking anak. Hinding-hindi na po siya uulit, magbabait na po siya. Pangako po mga mahal na ninuno.

Pinangaralang mabuti ng ni Aling Nena si Kiko na huwag uulitin ang ginawang paglapastangan nito sa punso dahil masamang magalit ang mga lamang-lupa.

BASAHIN : Tikbalang

Subalik kinabukasan lang din, matapos isuga ang kalabaw ay may nakita siyang bayawak at ang bayawak naman ang napagtuunan nito ng pansin. Ang batang sutil ay pilit sinundan ito ngunit nawala ito nang sumuot sa nakausling ugat ng puno.

Hawak ang tirador ay sinaliksik ni Kiko ang buong paligid, laking galak nito nang matagpuan ang maraming itlog ng bayawak, at tuwang-tuwa na tinirador ang mga itlog. Biglang nagulat ang bata nang lumitaw sa harp niya ang isang duwende.

Duwende : “HOY! BATANG SALBAHE, BAKIT MO BINASAG ANG MGA ITLOG? HINDI MO BA ALAM NA MAY BUHAY SALOOB NITO? SA GINAWA MONG IYAN, KITA’Y PARURUSAHAN. MAGIGING KALAHI KA NG BAYAWAK!”

Kiko : “Huwag po, maawa po kayo sa akin. Magpapakabait napo ako, peks man.”

Duwende : “SINUNGALING! ILANG BESES KA NANG NANGANGAKO TUWING PINAPALO KA NG TATAY MO. AT KAHAPON LANG, NANGAKO ANG NANAY MO, PERO NAGBAGO KABA? NGAYON, BILANG PARUSA, IKAW AY HAHALIK SA LUPA BAGO MAGTAKIP SILIM AT DAHIL IKAW AY TAO NA NILALANG NG MAYKAPAL KAYA SA TAHANAN KA RIN MANANAHAN. BUTIKI ANG ITATAWAG SA IYO!” 

Dali-daling kumaripas ng takbo ang nahintakutang bata at nagsisigaw nang.

Kiko : “AYOKONG MAGING BUTIKI NANAY, TULUNGAN MO AKO… AYAW KONG MAGING BUTIKI!”

Napadungaw ang ina at kitang-kita niya ang pagkasubasob ng anak bago paman ito nakaakyat ng hagdan. Nagtaka ito sa pagbabagong-anyo ni Kiko hanggang maging maliit na hayop na animo’y bayawak. Palibhasa’y “BUTIKI” ang huling katagang narinig sa anak, kaya butiki na rin ang itinawag niya rito. Bagama’t mabait ay mailap ang hayop na ito dahil sa hiya.

BASAHIN :Noli Me Tangere | Kasaysayan at mga Tauhan

Patuloy pa rin ang paghalik ng butiki sa lupa tuwing dapit hapon. Panahon na lang ang hahatol kung nararapat na ngang ibalik sa dating anyo si Kiko. Para sa mga duwende, mabuti nang manatili itong butiki sa habang panahon.

Dito nagtatapos yung Alamat ng Butiki.

Naghahanap ka pa ba ng ibang kwentong Alamat bukod sa Alamat ng Butiki? Maaring pindutin lamang ang link na ito ( Mga Alamat | Panitikan ng Pilipinas )

ADVERTISEMENT
loading...