Alamat ng Butanding

Dagdag kaalaman sa Alamat ng Butanding

Ang butandíng o Rhincodon typus ang pinamakamalaking isda sa mundo. Lumalaki ito hanggang 20 metro at may bigat na hanggang 34 tonelada.

BASAHIN : Labanan sa Mactan | Pilipinas

Buod ng Alamat ng Butanding

Noong unang panahon, may isang higanteng binata, na nangangalang Tanding , ang namumuhay sa isang bayan sa Bicol.  Dahil sa kanyang pagiging higante, malimit ay walang nakikipagkaibigan sa kanya dahil na rin sa takot  at pangambang baka saktan sila ng higante.  Dahil sa ayaw ring makapaminsala ng binata sa mga tao, naisipan nitong manirahan na lamang sa gilid ng isang dalampasigan, malayo sa kabihasnan.

Isang buwan matapos makaalis ni Tanding sa kanilang lugar, isang kagimbal-gimbal na pangyayari ang naganap.  Gabi-gabi’y nagkakaroon ng patayan sa kanilang lugar at halos ang lahat na nabibiktima nito’y mga kalalakihan.  Tadtad ng kagat ang katawan ang mga biktima at halos hindi na ito makilala dahil sa sobrang dugong nagkalat.

Sa isip ng mga tao isa lamang ang maaring gumawa ng ganito sa kanila, Si tanding. Dahil sa sobrang pagkagalit ng mga tao sa kanya, pinuntahan nila ang bahay ni Tanding at pinagbabato.

BASAHIN : Mga Taon Tabon | Pilipinas

Hindi na nagawang lumabas pa ni Tanding  dahil na rin sa bantang papatayin siya.

Nang gumabi na’y umalis na rin ang mga residente upang umuwi at kumain. At sa pagkakataong iyon ay  nakalabas na si tanding. 

Sa paglipas ng gabiy sumalakay ang daaang daang mga mababangis na aso  sa bayan. Nakita ni Tanding na nanganganib ang mga tao sa kanilang lugar kung kayat naisipan nitong kunin ang atensiyon ng mga aso.  Pinakagat niya ang mga dang-daang aso sa kanyang damit at dinala ito sa malawak na lugar ng dagat. Maraming mga aso ang kumapit sa kaniyang ulo at pilit na  nagpupumigSa dami ng mga aso, hindi na nakaalis ang binatang higante sa dagat.

Sabay ng pagkamatay ng mga aso, namatay rin ang isang bayaning minsan na nilang kinatakutan.

Sa paglipas ng mga araw, may napansin silang isang napakalaking isdang lumalangoy sa malapit sa dalampasigan , tila ba’y may hinihintay at binabantayan. Tinawag nila itong Tandeng sa pag-aakalang ang kaluluwa ni Tandeng ay napunta rito. Sa kalaunan itoy natawag na BUTANDING.

Naghahanap ka pa ba ng ibang kwentong Alamat bukod sa Alamat ng Butanding ? Maaring pindutin lamang ang link na ito ( Mga Alamat | Panitikan ng Pilipinas )

ADVERTISEMENT
loading...