Alamat ng Bundok Kanlaon

Ang Alamat ng Bundok Kanlaon at Tauhan nito

  • Haring Ma-ao
  • Prinsesa Talisay
  • Datu Saguy :
  • Kan-Laon
  • Pari
  • Haring Langgam
  • Haring Bubuyog
  • Haring Lawin
  • Ulupong

Noong unang panahon may isang namiminsala sa mga tao, wala itong pinatatawad. Ang ulupong na ito ay may pitong ulo at ang labing-apat na butas ng ilong ay nagbubuga ng usok.

Wari bang wala nang makakagapi sa ulupong na ito na nakatira sa bundok. Marami na siyang napapatay dahil sa pagbubuga niya ng apoy kapag siya ay nagagalit.

Kumunsulta si Haring Ma-ao sa mga pantas at isang mang-gagamot ang nagmukanghi na kailangang mag alay sa ulupong ng isang magandang dalaga upang ito ay mapatigil sa pamiminsala.

Ipinaabot naman ng pari sa mamamayan ang utos na iyon. Sa takot nilang sila ang ialay, nagpinta ng mukha ang mga dalaga. Lahat sila ay pawang pumangit na.

BASAHIN : Funny Jokes Tagalog

Kaya nahirapan sila makahanap ng mga magagandang babae na pwedeng ialay, makalipas ang ilang buwan, bigong bumalik ang pari at sabi nito

Pari : Wala na pong magandang dalaga nasunog na ang kanilang balat at mukha nang abutin sila ng apoy na binubuga ng ulupong, sa pagkakataon na ito tanging si Prinsesa Talisay nalamang ang natitirang magandang dalaga sa na ito

Nalungkot ang Hari sapagkat maging si Datu Sagay ay nagpatunay sa mga ibinalita ng pari. Samantala, isang banyaga ang nagkataong nakabalita sa pananalanta ng ulupong. Ipinahayag niya sa Hari ang kanyang nasang pagtulong na puksain ang ulupong.

Napangiti naman ang Prinsesa ng marinig ang sinabi ng banyagang binaitlyo na ito at napasabi nalang sa sarili niya na.

Prinsesa Talisay : Salamat, ipagdarasal ko ang kanyang tagumpay at kaligtasan. Napakakisig niya.”

Haring Maao : “Matapang ka magiting na binata”. Kung mapapatay mo ang ulupong ay magiging iyo ang kalahati ng aking kayamanan at ang aking kaisa-isang anak na si Prinsesa Talisay ay ma papasaiyo

Pagkatapos ng sinabi ng hari ay agad agad din namang umalis si Laon.

Naglakbay si Laon, ang binatang banyaga. Sa kanyang paglalakbay patungong bundok ay nasalubong niya ang Langgam. 

Laon : Hoy, langgam, ako si Laon. Sabihin mo kay Haring Langgam na may utos ang panginoon ninyong si Laon. Lahat ng sundalong langgam ay papuntahin sa bundok at papatayin natin ang namiminsalang ulupong. Ito ay para rin sa inyong kapayapaan.”

Gannon din ang sinabi ni Laon kay Haring Bubuyog. Haring Lawin naman ay nag wikang. “Handa kaming tumulong, Haring Khan Laon. Sabihin lamang ninyo ang aming gagawin.”

Ng makapagtipon na sila Laon, Haring bubuyog, Haring lawin at haring langgam ay nag sisugod na agad silang lahat sa bundok.

BASAHIN : Green Jokes

Doon naganap ang isang umaatikabong bakbakan, halos matabunan na ang ulupong sa dami ng langgam.  Kinakagat nila ang mga pagitan ng kaliskis, singit at leeg ng halimaw. Tinutusok naman ng mga bubuyog ang mga mata ng ulupong. Hindi nilapansin ang ibinubugang apoy ng kalaban. Patuloy sila sa kanilang pakikipaglaban.

Samantala, sa kaharian ay hindi mapalagay ang mga tao. Umiiyak si Prinsesa Talisay. Humingi siya ng tulong sa kanyang amaing si Datu Sagay. Nagpasiya si Datu Sagay na sundan si Khan Laon upang pigilan na ito sa iba pa niyang binabalak na gawin.

Sa mga oras din na iyon ay ipinagsisigawan naman ng taong bayan na si Prinsesa Talisay ang ialay sa ulupong kapag nabigo si Khan Laon sa labanan.

Makalipas ang ilang oras, sila Datu sagay kasama ang kanyang mga kawal ay nakarating na sa bundok, at nasaksihan nilang dinudukot ng mga lawin ang mga mata ng halimaw.

Lumapit si Laon at isa-sang tinagpas ang mga ulo ng ulupong, pagkatapos ng laban ay bumalik na sila khan-laon, kasama ang mga bubuyog at lawin sa kaharian.

Tuwang-tuwang ibinalita ni Datu Sagay ang kagitingan ni Khan Laon.

KhanLaon – “Haring Ma-ao ang lahat po ng ito ay hindi ko magagawa kung wala ang mga kaibigan kung langgam, buboyog at lawin. Sila ay ating pangalagaan sapagkat sila, tulad natin ay nilikha rin ng Diyos. Maraming salamat sa inyong lahat mga kaibigan ko 

Noon din ay ibinigay ni Haring Ma-ao ang kalahating bahagi ng kanyang kayamanan at si Prinsesa Talisay ay naging asawa ni Khan Laon. Naging maligaya ang dalawa. At magmula nga noon, ang bundok na pinangyarihan ng kamatayan ng ulupong ay tinawag na Bundok Kanlaon upang bigyang karangalan ang kabayanihan ni Haring Khan Laon.

BASAHIN : Alamat ng Mangga

Naghahanap ka pa ba ng ibang kwentong Alamat bukod sa Alamat ng Bundok Kanlaon ? Maaring pindutin lamang ang link na ito ( Mga Alamat | Panitikan ng Pilipinas )

ADVERTISEMENT
loading...