Alamat ng Bawang

Alamat ng Bawang at mga tauhan

  • Uganda
  • Kulala
  • Perot
  • Hashim
  • Anturo
  • Datu Basti
  • Madur
  • Datu Tawilis

Ang Alamat ng Bawang ay nagsimula kila Uganda at Kulala, Si Uganda ay isang ina na mapag-aruga at mapagmahal, halos hangaan na siya ng lahat dahil sa kanyang pagsisikap na mapalaking mabait ang kaisa-isang anak na si Kulala.

BASAHIN : Unang Babaeng Heneral | Gabriela Silang

Si Kulala ay isang ulila magandang dalaga na ulila na sa Ama, Bata pa siya nang matuklaw ng ahas sa bundok ang kaniyang ama. Totoong mahirap lumaking walang ama. Para kay Kulala, hindi buo ang pamilya nila kung patay na ang isa sa mga magulang niya.

Noong una ay nakaranas din si Uganda ng hirap, ina lang sana ang papel na gagampanan niya, nang mamatay ang asawa. Siya na ang ina, siya na rin ang ama.

Pero kahit nag iisa na siya ay hindi na niya inisip mag-asawa, bagkus tinuon nalang lahat ng atensyon sa kanyang anak, pinagsikapan niyang mapalaki si Kulala na Magalang.

Kahit sa sobrang hirap na dinadanas ay may ambisyon pa rin naman siya na gustong maipakamit niya sa kanyang anak. Ang nais lang naman nito ay makapag-asawa ito ng mayaman upang malayo sa karalitang kanilang karanasan.

Sa pakiwari ni Uganda, marapat lamang na bumuti ang buhay ng kulala.

Noong unang panahon kasi may kasabihan ang matatanda na, ang kagandahan at at kabaitan ay maaring maging kasangkapan upang makapamili ng kakasamahin sa buhay.

Ang kagandahan ni Kulala ay lalong napag-usapan nang magdadalaga na siya. makinis ang kutis at balingkinitan ang katawan niya, may mabibilog at nangungusap na mga mata siya. Ang mga labi niya, kahit di kulayan ay sariwang rosas ang katulad. Ang katulad. Ang tinig din niya ay may lambing na dala lalo’t kapag siya ay nagtatampo na .

Masyadong nakilala si Kulala sa kanilang bayan sapagkat ito ay magaling makipag kapwa tao, halos kaibigan siya ng lahat miski matanda, bata, mayaman o mahirap, kahit pa masamang tao yan o mabait lahat yan handa niya pakisamahan.

Para sakanya ang pagpapakatao ay isang mabuting pag-uugali at sapagkat tayong lahat ay galing sa isang tipak na lupa, mauuwi rin daw tayo sa pinanggalingang lupa ni Bathala.

Hanga si Uganda sa paniniwalang ito ni Kulala, Pero kahit lahat ay pinakikihrapan ng anak, nangangarap pa rin ang ina na sana ay mayaman at makapangyarihang binata ang mapangasawa ng kanyang magandang dalaga.

BASAHIN : Alamat ng Chocolate Hills – Maikling Kwento

Pero alam naman nating lahat na lahat tayo ay may sariling puso at isip, sa totoo lang marami namang nagkakagusto at naghahain ng kanilang pag-ibig sakanya ngunit wala lang itong pinipili kahit isa,

Upang matawag nga lang ang pansin ng dalaga, lahat ng manliligaw niya ay nagpapakiramdaman at nagpapayabangan upang mapaniwala lamang ang dalaga sa inihahain nilang pagmamhal, sa kasamaang palad laging sinasamang palad ang lahat ng mangingibig na nagpapasikatan.

Isang halimbawa na si Hashim na buong giting na nagmamalaking kukunin niya sa ilalim ng karagatan ang pinakamalaking perlas at iaalay niya sa paanan ng minamahal. Madaling araw noon ng nilusong nito ang tubig ng karagatan at sumisid sa ilalim ng parang barakuda sa kailaliman, pero sinamang palad siya at nabagok ang ulo sa nakausling bato sa ilalim ng dagat na ikinamatay niya agad.

Halos manginig sa takot si Kulala nang makita ang bangkay ng lalaki sa kanilang tahanan.

Lumipas ang ilang araw nasundan na naman ng isa pang insidente kung saan may isang abenturerong si Perot na sa pagnanais na mabigyan ng tuwa si kulala ay mayabang na nilusong nito ang ilug-ilugan na kinaroroonan ng pinakamabangis na buwayang kinatatakutan ng mga kalalakihan. Nawakwak nga niya ang tiyan ng pinakadiyus-diyosan ng mga buwaya subalit nahagip ang dibdib niya ng matalim na mga ngipin ng damulag.

Naging rason ito upang manghina siya ng tuluyan sapagkat halos maubusan na siya ng dugo, lumipas ang ilang minuto una siyang nanagutan ng hininga bago tuluyang namatay ang buwaya.

Napaurong si Kulala sa takot nang dalhin sa kanilang bahay ang bangkay ng nagmamahal na mangingibig. namatay ang binata sa pag nanais na mapasagot ang kagandang pinag-aagawan sa kanilang bayan.

Naisip ni Uganda na panahon na upang siya na ang pumili ng mapapangasawa ng anak.

Sa mga anak ng Datu, dalawa ang masusugid na mangingibig ni Kulala, naririyan si Anturo na anak ni Datu Basti at naririyan si Madur na anak ni Datu Tawilis. Sapagkat kayamanan ang tanging pamantayan ni Uganda, Binuo niya sa sariling matira sa matibay ang dapat na paglabanan ng dalawa.

Minsan kasing nagkasabay sa panliligaw ang dalawa ay nagpa inggitan sila sa isa’t-isa. Nagkapikunan at nagkainisan hanggang sa nagbunutan ng sandata. Sapagkat kapwa gusto nilang makamit ang kagandahang pinag-aawayan. ang pakikipaglaban ay nagwagi sa pakikipagkaibigan na nauwi sa dalawang kaluluwang naging bangkay

Humagulgol si Kulala sa sinapit ng dalawang mangingibig at punong puno ng kalungkutan ang katauhan niya. kaya nasabi nalang nito sa sarili na.

Kulala : Bathala ng kabundukan, kunin na po ninyo ako sa daigdig na kinaroroonan ko! hirap na po ang kalooban kong maging instrumento, upang pag-awayan ng mga mangingibig ko. Marami na pong dugong dumanak at taong nadamay, sa pagnanasang maangkin ako ng mga pagmamahal na lubhang makasarili at materyoso.

Ilang sandali lang ay dumilim ang kalangitan at bumuhos ang malaksa na ulan, nagsalubungan ang mga mata talim na kidlat at dagundong ng kulog sa kabundukan

Kulala : Kunin na po ninyo ako, maawa na po kayo mahal na bathala. (sabi niya habang umiiyak)

BASAHIN : Utak ng Katipunan | Emilio Jacinto

Makalipas ilang segundo ang hapong katawan ni Kulala ay bangkay na napalugmok tuktok ng bundok, nang sumikat ang araw ay natagpuan ng mga tao si Kulala na bagamat wala ng buhay ay may ngiti sa kanyang mga labi

Pagkakita ni Uganda sa kanyang anak. agad itong napaluha. ngunit alam naman niya sa sarili niya na, Ginusto talaga ni kulalang linasing ang mundo, makalipas ang ilang araw ay ipinalibing ni Uganda ang kanyang anak sa tuktok ng bundok.

Araw araw dinadalaw ito ni Uganda hanggang sa isang araw ay may halamang tumubo dito, inalagaan niya ang halaman, nang magbunga ay napansin niyang kahawig ito ng mapuputing ngipin ni kulala. Tumingala sa langit si Uganda at malinaw na narinig ang tinig ni Bathala.

Bathala : Nasa kaharian ko na si kulala at masayang-masaya, ang halamang iyan ay magpapaalala saiyo sa mapuputing ngipin ng anak mo, Alagaan mo ito at ipakilala sa ibang mga tao.

Ng mga oras din na iyon kumuha ng bunga ng halaman si Uganda at ipinatanim ito sa mga kapitbahay sa kani-kanilang bakuran, at magmula noon ang mapuputing ngipin ni kulala ay nakilala bilang rekado sa mga lutuing bahay na tinatawag ngayon bilang Bawang.

At dito nagtatapos ang kwento ng Alamat ng bawang.

Naghahanap ka pa ba ng ibang kwentong Alamat bukod sa Alamat ng Bawang Maaring pindutin lamang ang link na ito ( Mga Alamat | Panitikan ng Pilipinas )

ADVERTISEMENT
loading...