Alamat ng Anay at Tauhan nito.

Ang anay, na tinatawag ding puting langgam kahit na hindi sila tunay na mga langgam, ay isang uri ng mga kulisap. Nakatira ang mga ito sa mga punso sa lupa.

Ang Anay ay isa ring pangalang gamit sa Hindu, na ibig sabihin ay Lord Ganesha.

BASAHIN : Ang Ating mga Likas na Palantandaan – Maikling Kwento

Buod ng Alamat ng Anay.

Si Ranay ay isang matakaw na batang nakatira sa mahirap na bayan ng Sto. Cristo sa may norte. Bagamat naghihirap ay alaga siya ng ama’t ina sa masasarap na pagkain. Nag-iisa kasing anak si Ranay. Inakala nga noon ng mga magulang na hindi na magkakaanak dahil matanda na ang kanyang ina pero isinilang parin siya.

Mahal na mahal ng ama’t ina si Ranay. Halos gawin na siyang prinsesa ng mga ito.  Ayaw siyang pagawain sa bahay at sustentado siyang mabuti sa pagkain. Lumaki si Ranay na ang trabaho ay kumain at ang libangan ay kumain parin. Payat na payat na ang ama’t ina niya para matustusan ang kanyang pangangailangan.

BASAHIN : Imelda Marcos | Unang Ginang ng Pilipinas

Dumating ang hindi inaasahan ni Ranay. Magkasabay na namatay sa isang aksidente ang ama at ina. Dahil ang alam lang ay kumain, hindi alam ni Ranay kung paano ma-buhay na siya ang kikilos at magta-trabaho. Hindi nagtagal ay namayat siya at namatay.

Matagal ng patay si Ranay nang isang araw ay mapansin ng dating kapitbahay na pabagsak ang kanilang bahay. Nang suriin nila ito ay nakita ang isang insektong kumakain ng kahoy. Naalala nila si Ranay. Marahil anila ay ito si Ranay. Tinawag nilang ranay ang insekto na katagalan ay naging anay.

Naghahanap ka pa ba ng ibang kwentong Alamat bukod sa Alamat ng Anay ? Maaring pindutin lamang ang link na ito ( Mga Alamat | Panitikan ng Pilipinas )

ADVERTISEMENT
loading...