Alamat ng Alon sa Dagat

Alamat ng Dagat sa Alon at mga tauhan

  • Haring Dinagat
  • Reynang Dana
  • Prinsesa Ahana
  • Prinsesa Lonala
  • Alo

BASAHIN : Unang Pangulo ng Pilipinas | Emilio Aguinaldo

Noong unang panahon may isang kaharian sa ilalim ng dagat ang kanilang Hari na si Dinagat siya ay mahal ng lahat sa kanyang nasasakupan, sapagkat siya ay isang mabuti, mabait at magaling na pinuno.

Merong asawa at dalawang anak si Hari Dinagat, ang kanyang asawa ay si Reyna Dana at ang kanyang anak ay si Prinsesa Ahana at Prinsesa Alona. Si Prinsesa Ahana ang panganay sa dalawa siya ay mahinhin at mahilig makihalubilo sa lahat, habang ang bunso naman na si Alona ay matalino at mapagmahal sa kapwa.

Noong una masayang namumuhay ang mga sirenaat isda sa kaharian. Payapang payapa ang dagat atwala silang nararamdamang kapahamakan. Ngunit isang araw masamang balita ang gumimbal sabuong karagatan. Nagkaroon ng malubhang karamdaman si Hari Dinagat at unti-unti siyang nanghihina. Kaya nagpatawag ng isang babaylang isda ang hari.

Hari Dinagat : “Bakit ako nagkaroon ng sakit? At pakiramdam koay nanghihina na ako”.

Babaylan : “Dahil ito sa mga tao mahal na hari, hindi na magandaang ginagawa nila sa mga anyong tubig, sinisira nila ito at tila wala na silang pakialam sa maaring mangyari, dahil dito anomang oras, maaari ka na pong mamatay at ito na rin ang hudyat ng paglaho ng ating kaharian”

Reyna Dana : “Mahal kong asawa, kailangan nating gumawa ngparaan upang pigilan ang tao sa ginagawa nilang pagsira sa ating tahanan, kung hindi, tuluyan ka nang mawawala sa aming piling at hindi namin kakayanin iyon.”

BASAHIN : Komandante Heneral | Miguel Malvar

Kaya ipinatawag ng mahal na Haring Dinagat ang kaniyang dalawang anak upang sila ang gumawa ng paraan upang mailigtas ang buong karagatan.

Hari Dinagat : “Ahana at Alona, pinatawag ko kayo ngayon dito para sa isang mahalagang misyon, batid ninyo ang kalagayan ko at ang maaring maging kapalaran ng ating kaharian, nais ko kayong ipadala sa lupa, at mag anyong tao upang pigilan sila sa kanilang masamang gawain, ngunit isang paalala ang ihahabilin ko, bawal kayong umibig sa kahit sinumang tagalupa at bawal magdikit ang inyong mga balat dahil kayo ang maglalaho”

Prinsesa Ahana : “Gagawin po naming anglahat Amang Hari, ako na lamang po ang mauunangpumunta sa lupa.”

Sa pagdating ni Prinsesa Ahana sa lupa, dinatnan niyang nagtatapon ng basura ang ilang mga tao sadagat.

Prinsesa Ahana : “Pakiusap, huwag ninyo itapon ang mga iyan sadagat, malalason ang mga isda!”

Ngunit parang walang narinig ang mga tao at pinagpatuloy pa rin ang kanilang ginagawa.

Prinsesa Ahana : “Nagmamakaawa ako sa inyo wag ninyodumihan ang tubig”

Dinagtagal, sumuko na si Prinsesa Ahana at di na niyakinayang makita pa ang masamang gawain ng mga tao.Umuwi na ito at humingi ng tawad sa kanyang pagkabigo. Siya ay lumuhod.

Prinsesa Ahana : “Mahal kong Amang Hari, humihingi ako ng kapatawaran dahil ako aynabigong baguhin ang gawi nila sa tubig.”

Haring Dinagat : “Wag ka nanghumingi ng kapatawaran, alam kong mahirap angpinagagawa ko sa inyo anak. Tumayo ka na diyan.”

Sa mga sumunod na araw naman, si Prinsesa Lonala naman ang pupunta, sa lupa upang pakiusapan ang mga tao. Sa paglalakbay ni Prinsesa Lonala, lahat ng tao na makakakita sa kanya ay nabibighani sakanyang kagandahan, ngunit sa sumunod na mga araw bumungad sa kanya ang madumi at mabahong dagat. Nalungkot siya at sinabing,

BASAHIN :Pangulo ng Republikang Tagalog | Macario Sakay

Prinsesa Lolana : “dapat magtagumpay ako sa misyong ito, dapat siguro ay kilalanin ko muna ng husto ang mga tao atkaibiganin sila upang makuha ko ang loob nila atsilay magtiwala saakin.”

Di nagtagal, nagtagumpaynga siya sa kaniyang plano na kunin ang loob ngmga tao at pagtiwalaan siya.

Umiibig na rin siya sa isang tagalupang si Alor namahigpit na ipinagbabawal sa kanila. Tila nakalimutanna ni Prinsesa Lonala ang babala ng kaniyang Ama. Alam ni Alo na isa siyang sirena pero tila umiibig na rinsiya sa Prinsesa sa kabila ng katotohanan na iba ito sakaniya. Sa kabutihang palad, hindi pa rin nagdidikit ang kanilang mga balat.

Tinulungan siya ni Alo na kausapinang mga tao at ipaisip sa kanila na masama at dinakakabuti kanino man ang ginagawa nila sa dagat.Ilang buwan ang ginugol nila upang mapakiusapan anglahat ng tao at sa wakas nagtagumpay rin sila.

Tulongtulong na inayos at nilinis ng mga tao ang dagat at dilumaon ay bumalik sa dating ganda ang karagatan,lahat ay nagbunyi lalong lalo na ang mga nilalang sakaharian ng dagat.

Pinauwi na ng Hari si Lonala upang bigyan siyang karangalan bilang bayani ng kanilang kaharian.Ngunit tila ayaw umuwi ng Prinsesa dahil sa ayaw niyang iwan ang kaniyang pinakamamahal na si Alo.

Hindi pumayag si Hari Dinagat sa nais ng kaniyanganak at pinaalala sa kaniya ang mangyayari kapagpinagpatuloy nila ang kanilang pagmamahalan. Sinabi ni Prinsesa Lonala ang masamang balita kayAlo, ngunit ipinangako nila sa isat isa namagmamahalan sila habang buhay at wala silang pakialam kahit hindi pa sila naghahawak at kahit kailan hindi sila pwede magkadikit.

BASAHIN : Rebelyon ni Dagohoy | Francisco Dagohoy

Hindi kinaya ni Hari Dinagat ang sama ng loob at sakit sa puso na kaniyang nararamdaman sapagsuway ng kaniyang anak at itoy kaniyang ikinamatay. Nang malaman ito ni Lonala, walang tigil siyang umiyak at sinisisi ang kaniyang sarili sapagkawala ng kaniyang mahal na Ama. Nagpasiya itong bumalik sa kanilang kaharian.

Prinsesa Lolana : “Alo, patawarin mo ko ngunit kailangan ko ng bumalik sa aming kaharian upang makita ang aking Ama sa bago lamang siya kunin ng Bathala.”

Alo : “Hindi ako makapapayag! Sasama ako kung kinakailangan, ayoko mawala ka saakin.”

Ngunit tumakbo ng mabilis si Lonala nanghinawakan ni Alo si Lonala sa kamay para pigilan. Biglang sabay na naglaho ang mag kasintahan sakaragatan, nang magkaroon ng pagumbok ng tubig na humahampas sa dalampasigan. Ng mapansin itong mga tao na nakasaksi sa pagmamahalan nila Alo at Lonala, tinawag nila itong Alolon bilang pagalalasa wagas na pagibig na ipinakita nila Alo at Lonala at di naglaon naging Alon.

At dito nagtapos ang Alamat ng Alon sa Dagat.

Naghahanap ka pa ba ng ibang kwentong Alamat bukod sa Alamat ng Alon sa Dagat? Maaring pindutin lamang ang link na ito ( Mga Alamat | Panitikan ng Pilipinas )

ADVERTISEMENT
loading...