Agung

Ang agung o bua ay isang pares ng nakasabit na gong. Ito ay may bilog na nakaumbok sa gitnang bahagi nito at may malapad na papaloob sa tagiliran.

Ang agung ay karaniwang makikita sa katimugang bahagi ng Pilipinas—Palawan, Mindoro, mga isla ng Sulu, Mindanao, at sa kalookan nito—Ata, Bagobo, Bukidnon, Higaonon, Mandaya, Mangguangan, Manobo, Mansaka, Matigsalog, Subanon, Tagakaolo, Tiboli, at Tiruray.

Sa isang okasyon o pagdiriwang sa Batak, Palawan ay ginagamit itong agung kasaliw ng gimbal, ito ay isang uri ng tambol, pinapatugtog ito habang nanggagamot ang mga babaeng babaylan.

Basahin: Kubing

Ang nakasanayang gawaing ito ay halaw sa Tagbanwa ng Palawan. Sa Tiboli naman, ang isang kasiyahan tulad ng moqninum ay ipinagdiriwang ang anibersaryo ng kasal ng kilalang mag-asawa nang sa gayon ay magamit ang instrumentong agung para sa kanilang tugtugin.

Ito ay mayroong iba’t-ibang uri: ang mabigat na tembag na hindi tinutugtog ngunit prominenteng makikita sa tahanan bilang simbolo ng kayamanan ng may-ari nito. Gawa ito sa tingga at ang maliit na bahagi ito ay tanso.

Ang benegulitok ay katulad ng tembaga ngunit ito ay mas magaan, ginagamit ito kasama ng gong na kung tawagin ay sembakung. Ang bua o blowon naman ang pinakamakinis na gong.

Kung maikukumpara ang gong sa Mindanao at Palawan, ang gong ng Hanunuo ay mas maliit, nakasabit ang pares ng agung at magkaharap ang umbok ng mga ito.

Bukod sa instrumentong pangmusika na ito, ang iba pang instrumento ay maririnig sa pagdiriwang ay plawta, gitara, at mga patpat na perkusyon. Sa Tiruray naman, ang salitang agung ay maaaring mangahulugang tono ng gong.

Basahin din: Jose Maceda
Mga Instrumentong Musikal sa Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...